Mas pinadali na ang pagboto!
Noong Enero 1, 2017, naging epektibo ang Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante (CVR) sa California. Sa ilalim ng bagong batas na ito, ang mga karapat dapat na botante na hindi nakaabot sa 15 araw na huling araw ng pagpaparehistro ay may pagkakataong magtungo sa Opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante o alinmang sentro ng pagboto sa pagitan ng 14 na araw bago ang Araw ng Halalan at sa araw ng Halalan, at kondisyonal na magparehistro para bumoto.
Ang prosesong ito ay tinatawag na Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante (CVR).
Kung sa tingin mo ay karapat dapat kang bumoto, maaari kang pumunta sa tanggapan ng Tagapagrehistro o sa alinmang sentro ng pagboto sa loob ng 14 na araw bago ang Araw ng Halalan gayundin sa mismong araw ng halalan upang maunang kondisyonal na magparehistro para bumoto.
Ang CVR ay isinabatas noong 2012, upang maipairal sa Enero 1 pagkatapos ng sertipikasyon ng isang database ng pagpaparehistro ng botante sa buong estado. Ang VoteCal, ang database ng pagpaparehistro ng botante sa buong estado ng California, ay sinertipikahan noong Setyembre 26, 2016; Ang CVR ay nagsimulang umiral noong Enero 1, 2017.
Habang ang Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante ay isa na ngayong opsyon bilang isang residente ng County ng Santa Clara, mariin kayong hinihikayat na patuloy na magparehistro upang bumoto sa pinakamaagang panahon upang maiwasan ang hindi kinakailangang paghihintay at upang makatanggap ng regular na balota sa Pamamagitan ng Koreo.
Maaari mong suriin ang katayuan ng iyong pagpaparehistro ng botante sa voterstatus.sos.ca.gov.
Ang CVR ay matatagpuan sa Kodigo ng mga Halalan ng California mga seksyon 2170 hanggang 2173.