Skip to main content

View May 6, 2025 Special Mail Ballot Official Election Results

FAQs

Kung hindi ka sigurado kung nakarehistro ka para bumoto, o nakarehistro ka na para bumoto at hindi mo pa natanggap ang iyong Kard ng Notipikasyon ng Botante (VNC) na nagkukumpirma sa iyong pagpaparehistro, maaari mong suriin kung nakarehistro ka para bumoto sa pamamagitan ng paggamit ng self-verify na tool na voter registration lookup na matatagpuan sa ilalim ng "Mga Popular na Serbisyo," sa aming home page. Maaari kang tumawag sa Tagapagrehistro ng mga Botante sa (866)-430-VOTE (8683) at makipag-ugnayan sa aming mga tauhan o bisitahin ang website ng Kalihim ng Estado at gamitin ang kanilang tool sa Katayuan ng Botante upang kumpirmahin ang iyong impormasyon.

Oo. Nag-aalok ang Kalihim ng Estado ng mga serbisyo sa online na pagpaparehistro ng botante upang makapagparehistro ka para bumoto o i-update ang iyong impormasyon anumang oras, araw o gabi. Ang pagpaparehsitro online para bumoto ay isa ring paraan para mag, “Go Green”  at makatipid ng papel, karagdagan sa pagtanggap ng isang link upang makita online ang iyong Patnubay na Impormasyon para sa Botonate ng County sa panahon ng halalan, sa halip na makatanggap ng isang papel na kopya sa koreo.

Oo.

Maaari kang makahanap ng isang papel na bersyon ng form ng pagpaparehistro ng botante ng California sa alinmang Tagapagrehistro ng mga Botante ng county, Klerk ng County o tanggapan ng opisyal ng halalan, o alinmang post office, aklatan, tanggapan ng lunsod, mga kampus ng unibersidad ng estado at kolehiyo, at anumang kasosyong tanggapan ng estado o county na nagbibigay ng mga serbisyong panlipunan sa mga botante ng kanilang mga komunidad.

Sa ilalim ng Seksyon 2138 ng Kodigo ng mga Halalan ng California, ang sinumang tumutulong sa mga tao na magparehistro upang bumoto at mangolekta ng mga nakumpletong form ay may hanggang tatlong (3) araw, hindi kasama ang Sabado, Linggo at mga pista opisyal ng estado, upang maihatid ang mga ito sa opisyal ng halalan ng county o ipakoreo.

Oo. Ang California ay may proseso ng Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante (CVR) na nagpapahintulot sa mga taong napalampas ang paunang 15-araw na deadline para magparehistro upang bumoto at tumanggap ng balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo. Bisitahin ang opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante o alinmang bukas na Sentro ng Pagboto at magparehistro upang bumoto nang personal at tumanggap ng balota. Para sa karagdagang impormasyon, maaari mong bisitahin ang aming page na, "Napalampas ko ang huling araw ng pagpaparehistro para bumoto," na matatagpuan sa ilalim ng tab na aming pagpaparehistro para bumoto.

Ang isang tao ay maaari lamang magparehistro upang bumoto mula sa isang address. Kung nakatira ka sa higit sa isang lugar, ang tirahan na dapat mong irehistro at botohan ay ang tirahan na balak mong manatili, at kung aalis ka, ay babalik ka sa tirahan na iyon. Ang anumang iba pang lugar na pagmamay-ari mo, o tinitirhan, ay ituturing na pansamantalang tirahan at hindi ang iyong tirahan sa pagboto. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang Seksyon 349 at Artikulo 2 ng Kabanata 1, Dibisyon 2 ng Kodigo ng mga Halalan ng California.

Kung ikaw o isa sa iyong pamilya ay pansamantalang umalis, maaari ibigay ang address na iyon bilang pansamantalang direksyong pangkoreo upang makatanggap ng materyal sa halalan habang wala ka, tulad ng Patnubay na Impormasyon para sa Botante ng County (CVIG) at balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo. Mahalagang i-update ang iyong rekord ng pagpaparehistro ng botante at alisin ang pansamantalang direksyong pangkoreo kapag hindi mo na ito ginagamit, sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang form ng paghiling ng aksyon ng botante (VARF) o muling magpaparehistro para bumoto.

Ang isang tao ay maaari lamang magparehistro upang bumoto mula sa iisang address. Kung nakatira ka sa higit sa isang lugar, ang address na dapat mong irehistro at botohan ay ang tirahan na balak mong manatili, at kung aalis ka, ay babalik ka sa address na iyon. Ang anumang iba pang lugar na pagmamay-ari mo, o tinitirhan, ay ituturing na pansamantalang tirahan at hindi ang iyong tirahan na gagamitin sa pagboto. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang Seksyon 349 at Artikulo 2 ng Kabanata 1, Dibisyon 2 ng Kodigo ng Halalan ng California.

Oo, maaari kang magparehistro at bumoto, kahit na wala kang permanenting tirahan. Gayunpaman, dapat kang magkaroon ng isang direksyong pangkoreo kung saan ihahatid at tatanggapin ang iyong sulat.

Maaari mong ilagay sa form ng pagpaparehistro ng botante ng California ang iyong lokasyon para mailarawan kung saan ka namamalagi sa karamihan ng iyong oras, tulad ng mga cross street at mga palatandaan. Ang paglalarawan ay dapat na sapat para sa Tagapagrehistro ng mga Botante upang kumpirmahin ang iyong presinto ng pagboto at kung ano ang nasa iyong balota. Sa Form ng Pagpaparehistro ng Botante na hinihingi ang direksyong pangkoreo, dapat kang magbigay ng alinman na isang P.O. Box, Drop Box na Pangkoreo, pangkalahatang direksyon ng paghahatid ng Post Office, o iba pang address kung saan maaari mong matanggap ang iyong mga materyal sa pagboto at iba pang mahahalagang abiso sa halalan, tulad ng mahahalagang anunsyo sa halalan at mga abiso sa kumpirmasyon ng address.

Oo, kung nakatira ka at nagtatrabaho sa iisang lugar, kung ang iyong negosyo ay sya din ang iyong address at wala kang ibang lugar ng tirahan, maaari mong gamitin ang business address bilang iyong address ng tirahan upang magparehistro para bumoto.

Hindi. Ang mga numero ng Post Office Box o Drop Box na Pangkoreo ay maaari lamang gamitin bilang iyong direksyong pangkoreo kung saan ka tumatanggap ng sulat. Ang Post Office o Drop Box na Pangkoreo ay hindi maaaring gamitin bilang address sa Form ng Pagpaparehistro ng Botante upang magparehistro para bumoto.

Oo. Sa ilalim ng batas ng Halalan ng California, ang iyong koreong panghalalan ay non-forwardable. Kung binago mo ang iyong address, kailangan mong i-update ang iyong rekord ng pagpaparehistro, upang matanggap mo ang iyong mga materyal sa pagboto at iba pang mahahalagang anunsyo at abiso sa halalan. Maaaring mong i-update ang iyong impormasyon sa pagpaparehistro ng botante kasabay ng pag-update ng iyong lisensya sa pagmamaneho o kard ng pagkakakilanlan sa Departamento ng mga Sasakyang De-motor. Kung hindi ka sigurado kung nai-update mo na ang iyong rekord ng pagpaparehistro ng botante gamit ang iyong bagong address, maaari mong tingnan sa hanapin ang pagpaparehistro ng botante na matatagpuan sa website sa seksyon ng Mga Serbisyong Popular.

Maaaring i-update ang iyong rekord ng pagpaparehistro ng botante sa pagkumpleto ng bagong form ng pagpaparehistro ng botante online o sa pagkumpleto ng form ng paghiling ng aksyon ng botante. Ang kard ng pagpaparehistro ng botante ay makukuha sa mga lokal na post office, aklatan, tanggapan ng lunsod, o anumang ahensya na nagbibigay ng mga serbisyong panlipunan sa county. Makakakuha din ng mga form ng pagpaparehistro ng botante sa mga kampus ng kolehiyo at unibersidad.

Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay nakikilahok sa exchange program ng National Change of Address (NCOA) at sa Postal Services ng Estados Unidos at tumatanggap ng mga update sa pamamagitan ng Kalihim ng Estado. Gayunpaman, ang pagpapalit lamang ng iyong address sa Post Office o pag-forward ng iyong sulat sa iyong bagong address ay hindi awtomatikong mai-update ang iyong impormasyon sa pagpaparehistro ng botante.

 

Oo, kung binago mo ang iyong legal na pangalan para sa anumang kadahilanan, kailangan mong muling magparehistro para bumoto at magbigay ng bagong lagda para sa mga layunin ng pagboto. Maaaring nai-update mo na ang iyong impormasyon sa pagpaparehistro ng botante kasabay ng pag-update ng iyong lisensya sa pagmamaneho o kard ng pagkakakilanlan sa Departamento ng mga Sasakyang De-motor. Kung hindi ka sigurado kung nai-update mo na ang iyong rekord ng pagpaparehistro ng botante gamit ang iyong bagong pangalan at lagda, maaari mong tingnan sa hanapin ang pagpaparehistro ng botante na matatagpuan sa website sa seksyon ng Mga Serbisyong Popular.

Maaari kang muling magparehistro online para bumoto sa pamamagitan ng Kalihim ng Estado o pagsusumite ng form ng pagpaparehistro ng botante nang personal o sa pamamagitan ng koreo. Ang mga form ng pagpaparehistro ng botante ay makukuha sa mga lokal na post office, aklatan, tanggapan ng lunsod o anumang ahensya na nagbibigay ng mga serbisyong panlipunan sa county. Makakakuha din ng mga form ng pagpaparehistro ng botante sa mga kampus ng kolehiyo at unibersidad.

Ang form ng pagpaparehistro ng botante ay dapat naglalaman ng iyong birth name, kasama ang pangalan at apelyido, at maaari ring maglagay ng gitnang pangalan ayon Seksyon 2150 ng Kodigo sa mga Halalan ng California. Dapat naiproseso na ng korte o naikasal na bago i-update ang iyong impormasyon sa pagpaparehistro ng botante gamit ang iyong bagong legal na pangalan.

Oo, kung nais mong baguhin ang iyong partidong pampulitika o maging isang botante na walang kinakatigang partido at piniling huwag ihayag ang partido, dapat kang muling magparehistro para bumoto.

Maaari kang muling magparehistro online para bumoto sa pamamagitan ng Kalihim ng Estado o pagsusumite ng form ng pagpaparehistro ng botante nang personal o sa pamamagitan ng koreo. Ang mga form ng pagpaparehistro ng botante ay makukuha sa mga lokal na post office, aklatan, tanggapan ng lunsod o anumang ahensya na nagbibigay ng mga serbisyong panlipunan sa county. Makakakuha din ng mga form ng pagpaparehistro ng botante sa mga kampus ng kolehiyo at unibersidad.

Kung hindi pa lumipas ang deadline ng pagpaparehistro, maaari mong kumpletuhin ang isa pang form ng pagpaparehistro ng botante para makasiguro. Maaari mo kaming tawagan o ang opisyal ng halalan ng iyong county, na hihingi sa iyo ng dokumentasyon upang magkumpirma kapag nagparehistro ka para bumoto. Kadalasan, ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay maaaring magkaroon ng paraan upang masuri kung sinubukan mong magparehistro sa pamamagitan ng Departamento ng mga Sasakyang De-motor.

Maaaring hilingin sa iyo na kumpletuhin ang isang bagong form ng pagpaparehistro ng botante o magparehistro para bumoto at tumanggap ng balota gamit ang Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante (CVR) kung lumipas na ang 15-araw na deadline upang magparehistro bago ang halalan na nais mong butohan. Tingnan ang katanungan sa itaas, "Napalampas ko ang huling araw ng pagapaparehistro," o bisitahin ang aming webpage tungkol dito.

Hindi. Sa ilalim ng Batas ng Pampublikong mga Tala ng California (Kodigo ng Pamahalaan Seksyon 6254.4) at Batas ng Halalan ng California (Kodigo ng Halalan Seksyon 2194), ang address, numero ng telepono, email address at presinto na nakapaloob sa rekord ng pagpaparehistro ng botante ay kumpidensyal at hindi makikita ng publiko nang hindi bababa sa 100 taon pagkatapos ng paggawa ng rekord (Seksyon 2194.1 ng Kodigo ng mga Halalan). 

Gayunpaman, pinapayagan din ng batas ang ilang indibidwal o grupo na ma-access ang mga rekord ng botante, kung natutugunan nila ang mga kinakailangang kwalipikasyon upang gawin ito (Seksyon 2188 ng Kodigo ng mga Halalan). Dapat ding tukuyin ng aplikasyon kung paano gagamitin ang impormasyon. Ang iyong lagda, numero ng seguridad sosyal, numero ng lisensya sa pagmamaneho o iba pang numero ng pagkakakilanlan na inisyu ng estado ay hindi maaaring ilabas. 

Mangyaring basahin ang aming pahayag ng pagka-pribado ng botante para sa karagdagang impormasyon.

Oo. Ang Kabanata 2 ng Dibisyon 18 ng Kodigo ng mga Halalan ng California ay naglalaman ng mga probisyon ng parusa para sa paglabag sa ilang mga batas sa halalan na may kaugnayan sa pagpaparehistro ng botante.

Oo. Ang Kabanata 2 ng Dibisyon 18 ng Kodigo ng mga Halalan ng California ay naglalaman ng mga probisyon ng parusa para sa paglabag sa ilang mga batas sa halalan na may kaugnayan sa pagpaparehistro ng botante.

Ang mga botante na nakakatugon sa ilang pamantayan ay maaaring mag-aplay upang ang kanilang rekord ng pagpaparehistro ng botante ay ganap na maging kumpidensyal at gawing hindi makukuha ng mga awtorisadong aplikante. Mayroong dalawang paraan upang hilingin na gawing kumpidensyal ang katayuan ng botante:

Sa Kautusan ng Hukumang Superyor. Sa ilalim ng Seksyon 2166 ng Kodigo ng mga Halalan ng California, ang isang tao ay maaaring mag-aplay sa hukumang superyor upang gawing kumpidensyal ang kanilang rekord ng pagpaparehistro ng botante ("kumpidensyal na botante") at gawing hindi makukuha kahit na ng mga awtorisadong aplikante, sa pamamagitan ng pagpapakita ng katibayan na kasalukuyang may mga pangyayaring banta sa kanilang buhay o sa isang miyembro ng kanilang sambahayan.

Sa Safe at Home Program ng Kalihim ng Estado. Pinapayagan ng batas ng California ang isang tao na maging isang kumpidensyal na botante sa pamamagitan ng Safe at Home Program ng Kalihim ng Estado. Ang aplikasyon upang matanggap sa Safe at Home Program ay ginagawa sa pamamagitan ng Kalihim ng Estado.

Ang mga botante ay maaaring maging kwalipikado para sa Safe at Home Program ng Address Confidentiality for Victims of Domestic Violence at Stalking Program (Kodigo ng mga Halalan Seksyon 2166.5) o ang Address Confidentiality para sa  Reproductive Health Care Service Providers, programa sa mga Empleyado, Nagboboluntaryo, at Pasyente (Kodigo ng Pamahalaan ng California Titulo 1, Dibisyon 7, mga Kabanta 3.1 at 3.2). Nag-aalok ang Safe at Home ng reproductive health care service providers at sa mga biktima ng karahasan sa tahanan, stalking, sekswal na pag-atake, human trafficking, pang-aabuso sa mga nakatatanda at walang kakayahan ng isang kapalit na direksyong pangkoreo upang makatanggap ng first class, sertipikado, at rehistradong koreo. Ang address na ito ay tinatanggap din ng mga ahensya ng pamahalaan ng estado, county, at lungsod ng California sa halip na isang tirahan o iba pang direksyong pangkoreo kung saan maaaring subaybayan ang isang biktima.

Kamakailan lamang, ang Gobernador ng California ay naglabas ng Ehekutibong Kautusan N-80-20 na maaaring magamit ang Safe at Home Program ng mga lokal na opisyal na pangkalusugan at iba pang mga opisyal ng pampublikong pangkalusugan. Ito ay dahil ang grupong ito ay napapailalim sa mga banta at iba pang panliligalig na may kaugnayan sa COVID-19. 

Pinapayagan din ng batas ng Halalan ng California ang isang county na magpatibay ng mga katulad na espesyal na probisyon para sa kanilang mga opisyal sa pampublikong pangkalusugan (Seksyon 2166.7 ng Kodigo ng Halalan at Seksyon 6254.24 ng Kodigo ng Pamahalaan). 

Ang taong pinagkalooban sa pagiging kumpidensiyal ay itinuturing na botante ng pagboto sa pamamagitan ng koreo para sa lahat ng kasunod na halalan. Para sa karagdagang impormasyon, maaari mong tingnan ang aming page sa, "Mayroon akong isang sitwasyong may banta sa aking buhay at kailangan maging kumpidensyal ng aking impormasyon." Maaari mong makita ang impormasyong ito sa aming tab ng pagpaparehistro para bumoto at kasunod ng link na tinatawag na, "Mayroon akong espesyal na sitwasyon."

Ang mga hukuman ay tumatanggap ng impormasyon para sa jury duty mula sa Tagapagrehistro ng mga Botante at Departamento ng Sasakyang De-motor. Maaari kang magtanong sa parehong opisina upang makita kung paano inilagay ang iyong rekord. Kung nakarehistro ka upang bumoto, halimbawa, sa isang pangalan (Joseph Smith) at sa DMV sa ibang pangalan (Joe Smith) tapos ay maaaring ilagay ng komisyon ng jury ang iyong pangalan sa kanilang database nang dalawang beses. Nangyayari rin ito dahil pinipili ng ilan na maglagay lamang ng direksyong pangkoreo sa kanilang lisensya sa pagmamaneho habang ang form ng pagpaparehistro ng botante ay nangangailangan ng address ng tirahan. Maaari rin itong magdulot ng pagdoble. Kinokolekta ngayon ng aming opisina ang numero ng lisensya sa pagmamaneho sa form ng pagpaparehistro ng botante upang makatulong na mabawasan ang dobleng rekord.

Ang Seksyon 2201 ng Kodigo sa Halalan ng California ay naglilista ng mga partikular na dahilan para sa pagkansela ng pagpaparehistro ng botante, mula sa nilagdaan na kahilingan ng indibidwal para sa pagkansela, sa patunay na ang tao ay nakakulong para sa hatol na pelony, sa pagpapatunay ng pagpanaw ng nakarehistro, o sa patunay na ang tao ay muling nagparehistro upang bumoto sa ibang county o estado o kung hindi man ay hindi karapat-dapat na bumoto. Ang Artikulo 1 ng Kabanata 3 ng Dibisyon 2 ng Kodigo sa mga Halalan ng California ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon sa kung paano pinapanatili ang mga pagpaparehistro at potensyal na pagkansela.

Hindi. Ang pagboto ay isang pagpili, hindi isang obligasyon. Ang iyong rekord bilang botante ay mananatiling aktibo kung ang iyong sulat mula sa Tagapagrehistro ng mga Botante ay patuloy na naihahatid sa address na nakatala, at tumugon ka sa anumang abiso sa kumpirmasyon ng address na maaaring ipadala sa iyo ng aming opisina. Partikular na ipinagbabawal ng Batas sa Halalan ng California ang pana-panahong muling pagpaparehistro ng mga botante (Seksyon 2123 ng Kodigo ng mga Halalan). Tingnan din ang tanong sa itaas, "Ano ang mga patakaran para sa pagkansela ng aking pagpaparehistro ng botante?"

Gayunpaman, kung ang iyong koreo sa halalan ay ibinalik sa Tagapagrehistro ng mga Botante bilang hindi maihahatid na sulat, ang iyong pangalan ay maaaring ilagay sa listahan ng mga hindi aktibo na mga rehistradong botante, at hindi matatanggap ang iyong Patnubay sa Impormasyon para sa Botante ng County o balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo sa mga halalan sa hinaharap hanggang sa mai-update ang iyong address. Tingnan sa itaas, "Kung lumipat ako, kailangan ko bang muling magparehistro para bumoto?"
 

Oo. Ang isang taong naapektuhan ng sistema ng hustisya ay maaaring mabawi ang kanilang karapatang bumoto kapag nakumpleto na nila ang kanilang termino. Kamakailan lamang, ang mga taong pinalaya mula sa estado o pederal na patuloy na nagsisilbi sa kanilang parole ay maaaring mabawi ang kanilang karapatang bumoto.

Sa Seksyon 2201 ng Kodigo ng mga Halalan ng California, ang opisyal ng halalan ng county, o Tagapagrehistro ng mga Botante, ay inutusan na kanselahin ang pagpaparehistro ng botante ng mga taong may parusang pelony at nagsisilbi ng kanilang mga termino sa isang bilangguan ng pederal o estado. Ang hukumang superior ng county ay nagbibigay ng impormasyong ito sa Tagapagrehistro ng mga Botante tuwing Abril at Setyembre ng bawat taon upang mapanatili ang mga rekord ng botante.

Kapag ang indibidwal ay nakalaya mula sa isang pederal o estado, maaari nilang mabawi ang kanilang karapatang bumoto sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang bagong form ng pagpaparehistro ng botante.

Posible, oo. Sa batas ng Halalan ng California, ang isang taong nagsisilbi sa isang bilangguan ng county o na hinatulan ng parole ay maaaring mapanatili ang kanilang karapatang bumoto. Gayunpaman, ang mga taong nagsisilbi sa isang estado o pederal na bilangguan, o nagsisilbi sa estado o pederal na termino habang nakatira sa isang bilangguan o pasilidad ng county ay hindi mababawi ang karapatang bumoto hanggang sa sila ay palayain. 

Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay may Programa sa Emerhensiyang Pagpapadala ng Balota at nakikipagtulungan sa mga lokal na kulungan upang matulungan ang mga karapat-dapat na botante na makatanggap ng balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo habang sila ay naninirahan doon. 

Simula nang 2021, ang mga taong pinalaya mula sa estado o pederal na bilangguan o bilangguan ng county ngunit nananatiling nasa parole ay maaari ring maibalik ang kanilang karapatang bumoto sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang bagong form ng pagpaparehistro ng botante.

Kadalasan, inaakala ng Batas sa Halalan ng California na ang bawat tao na nagpaparehistro upang bumoto ay may kakayahang bumoto. Ang mga Subseksyon (e) at (f) ng Seksyon 2102 ay tungkol sa mga botanteng may kapansanan at mga napapailalim sa pangangalaga ng conservatorship dahil sa kapansanan, at ang proseso ng pagpaparehistro ng botante. 

Ang isang tao ay maaari lamang madiskwalipika mula sa pagboto kung itinuturing ng hukuman na siya ay walang kakayahan sa pag-iisip. Ang mga Seksyon 2208 hanggang 2211 ng Kodigo sa mga Halalan ng California ay tungkol sa mga patakaran para sa diskwalipikasyon at pagkansela ng pagpaparehistro ng botante dahil sa kalagayan ng pag-iisip.

Kadalasan, inaakala ng Batas sa Halalan ng California na ang bawat tao na nagpaparehistro upang bumoto ay may kakayahang bumoto. Ang isang tao ay maaari lamang madiskwalipika mula sa pagboto kung itinuturing ng hukuman na siya ay walang kakayahan sa pag-iisip. Ang mga Seksyon 2208 hanggang 2211 ng Kodigo sa mga Halalan ng California ay tungkol sa mga patakaran para sa diskwalipikasyon at pagkansela ng pagpaparehistro ng botante dahil sa kalagayan ng pag-iisip.

Ang taong ginawaran ng conservatorship o Power of Attorney para sa ibang tao ay pinapayagan na tulungan lamang ang indibidwal na iyon sa pagkumpleto at pagsumite ng form ng pagpaparehistro ng botante o pagboto sa balota. Ang botante ay dapat subukang pumirma o gumawa ng markang "X" upang ipakita ang kanyang lagda at intensyon na magparehistro at/o bumoto, at ang tumutulong ay dapat pumirma bilang saksi. Ang paggawad ng conservatorship o power of attorney ay hindi nagbibigay sa iyo ng karapatang magparehistro upang bumoto at/o bumoto para sa botanteng iyon.

Oo at hindi. Maaari mo silang tulungan sa pagkumpleto ng form ng pagpaparehistro ng botante, gayunpaman, dapat nilang subukang pumirma o gumawa ng markang "X" at dapat mo rin na pirmahan ang form bilang saksi at taong tumulong sa kanila. Ang paggawad ng conservatorship o power of attorney ay hindi nagbibigay sa iyo ng karapatang magparehistro upang bumoto at/o bumoto para sa botanteng iyon.

 

Oo. Bisitahin ang aming page na, "Ako ay isang bagong residente sa Estado ng California" para sa karagdagang impormasyon sa kung paano magparehistro at bumoto.

 

Oo. Bisitahin ang aming page na, "Ako ay isang bagong mamamayan" para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano magparehistro at bumoto.

Oo. Bisitahin ang aming page sa Primaryang Halalan para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpaparehistro at pagboto sa panahon ng primarya.