Pahayag ng Pagkapribado ng Botante
Pahayag ng mga Ipinahihintulot na Paggamit ng Pansariling Impormasyon
(Alinsunod sa § 2157.2 ng Kodigo sa mga Halalan)
Ang impormasyon sa iyong apidabit ng pagpaparehistro ng botante ay gagamitin ng mga opisyal sa mga halalan upang padalhan ka ng opisyal na impormasyon tungkol sa proseso ng pagboto, tulad ng kinaroroonan ng iyong lugar na botohan at ang mga isyu at kandidato na lilitaw sa balota. Ang pangkomersiyong paggamit ng impormasyon sa pagpaparehistro ng botante ay ipinagbabawal ng batas at isang misdemeanor.
Ang impormasyon tungkol sa botante ay maaaring ibigay sa isang kandidato para sa katungkulan, sa isang komite sa panukala sa balota, o ibang tao para sa mga layuning may kinalaman sa halalan, pag-aaral, pamamahayag, pulitika, o pamahalaan, gaya ng ipapasiya ng Kalihim ng Estado. Ang mga numero ng lisensiya sa pagmamaneho at seguridad sosyal, o ang iyong pirma na nakalagay sa iyong kard ng pagpaparehistro ng botante, ay hindi maaaring ilabas para sa mga layuning ito.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa paggamit ng impormasyon sa botante o nais mag-ulat ng hinihinalaang maling paggamit ng naturang impormasyon, mangyaring tawagan ang Hotline ng Proteksiyon at Tulong sa Botante ng Kalihim ng Estado (Secretary of State's Voter Protection and Assistance Hotline) na walang bayad sa: (800) 645-8683; direkta (916) 657-2166.
May ilang mga botante na nasa sitwasyong nanganganib ang buhay ay maaaring maging kuwalipikado para sa kompidensiyal na katayuan ng botante. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang Web site ng programang Ligtas Sa Tahanan ng Kalihim ng Estado (Secretary of State's Safe At Home program) o ang Kalihim ng Estado (Secretary of State’s Web Site).