Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
- Pagsubaybay sa Ipinakokoreong Balota
- Malayuang Madaling Magamit na Sistema ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (RAVBM)Pagbabalik ng Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
- Programa sa Emerhensiyang Pagpapadala ng Balota
- Aplikasyon para sa Facsimile na Balota: sa wikang Punjabi, Gujarati, Tamil, Telugu, at Nepal
MAGPAREHISTRO UPANG BUMOTO
Huling araw ng pagpaparehistro upang bumoto: Abril 22, 2024
- Kung ikaw ay nagpalit ng iyong pangalan o pampulitikang partido, dapat kang magparehistrong muli upang bumoto.
- Kumpletuhin, pirmahan, at ipakoreo sa: Registrar of Voters, Voter Registration Division, PO Box 611300, San Jose, CA 95161-1300. Ang mga form ng pagpaparehistro na ipinadala sa fax ay hindi tatanggapin.
- Mga karagdagang impormasyon tungkol sa Pagpaparehistro upang Bumoto
Kung nakaligtaan mo ang huling araw ng pagpaparehistro ng botante, mayroon kang opsyon na magparehistro sa pamamagitan ng Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante sa Opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante.
PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREO
Bawat nakarehistrong botante ay makakatanggap ng Balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo simula sa 29 na araw bago ang Araw ng Halalan. Kung kailangan mo ng pamalit na balota, kumpletuhin ang Form ng Paghiling ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na makukuha sa ibaba.
Huling araw ng paghiling na matanggap sa koreo ang Pamalit na Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo: Abril 30, 2024
Impormasyon ng mga form sa Aplikasyon ng Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
Ipakoreo o i-fax sa: Registrar of Voters, Vote by Mail Division, PO BOX 611750, San Jose, CA 95161-1750. Fax: (408) 293-6002.
- Kumuha ng Karagdagang Kaalaman Tungkol sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
Ang mga Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo para sa Mayo 7, 2024 Espesyal na Halalan ay magsisimulang ipakoreo sa linggo ng Abril 8, 2024.