Kung Nagkamali Ka o Kailangan mo ng Kapalit na Balota, magsumite ng Replacement Request.
Pirmahan ang iyong pangalan sa tabi ng pulang X, at pagkatapos ay ilimbag ang iyong tirahan at ang petsa sa likuran ng sobre para sa pagbabalik.
Kung wala ang iyong pirma o hindi tugma sa iyong kard nang pagpaparehistro ng botante, hindi mabibilang ang iyong balota.
Ang mga balotang ibinalik sa pamamagitan ng koreo ay dapat na may tatak koreo sa o bago ang Araw ng Halalan AT dapat matanggap nang hindi lalampas sa 7 araw pagkatapos ng Araw ng Halalan.
HANAPIN ANG MGA DROP BOX NG BALOTA
HINDI KINAKAILANGAN NG SELYO! Bayad na ang selyo ng lahat ng mga sobre para sa pagbabalik sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo. Hindi mo kailangang gumamit ng selyo kung ibabalik mo ang iyong balota sa pamamagitan ng koreo gamit ang sobre para sa pagbabalik.
Ang mga balota na ibabalik nang personal ay dapat matanggap bago ang ika-8 ng gabi sa Araw ng Halalan sa alinmang awtorisadong lokasyon ng drop off sa County ng Santa Clara.
Ang mga balota ay maaaring ibalik sa: