Mga Mapagkukunan sa Kakayahan ng Botante
Naninindigan ang Tagapagrehistro ng Mga Botante (Registrar of Voters, ROV) ng County ng Santa Clara na makipagtulungan sa mga botanteng may kapansanan upang matulungan silang magamit ang kanilang karapatang bumoto at mabigyan ang mga botante ng hindi nakalantad at madaling gamiting paraan ng pagboto.
Ikinalulugod ng ROV na ibigay ang mga sumusunod na mapagkukunan sa pagboto para sa mga botanteng may kapansanan:
- ICX na Balota – Isang magagamit na aparato sa pagmarka ng balota na may mga Audio na Balota. Ang aparato sa pagkontrol ay may braille at kakayahan sa paghigop at pagbuga. Makukuha ang mga aparato sa Mga Sentro ng Pagboto at sa opisina ng ROV.
- Magagamit sa Malayo na Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo at Mga Gabay na Impormasyon ng Botante ng County – Markahan ang iyong balota gamit ang sarili mong compatible na teknolohiya upang bumoto nang malaya at pribado sa kaginhawahan ng sarili nating tahanan gamit ang sistema ng Magagamit sa Malayo na Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo. Magagamit ng mga botanteng may problema sa paningin at magagamit kasama ng software sa pagbabasa ng screen. Upang matuto pa, basahin ang: www.vote.santaclaracounty.gov/RAVBM.
- Electronikong Impormasyon ng Botante ng County sa pamamagitan ng email – May opsyon ang mga botante na matanggap ang Gabay na Impormasyon ng Botante ng County (County Voter Information Guide, CVIG) sa elektronikong paraan, sa halip na naka-print na aklat sa pamamagitan ng regular ng koreo. Sumusunod sa 508 ang mga elektronikong CVIG. Upang mag-sign up, bisitahin ang: www.vote.santaclaracounty.gov/gogreen o tumawag sa (408) 299-VOTE (8683) upang humiling ng form.
- Mga Dokumento ng Audio na Gabay na Impormasyon ng Botante ng County – Makukuha sa isang CD o USB ang mga dokumento ng Nakatalang Pahayag at Hakbang ng Kandidato. Upang humiling ng kopya, tumawag sa (408) 299-VOTE (8683) simula 29 na araw bago ang isang Halalan.
- Pagboto sa Tabi ng Bangketa – Binibigyang-daan ng Pagboto sa Tabi ng Bangketa ang isang botante na pumarada nang malapit hangga't posible sa lugar ng pagboto. Tatawag ang botante sa isang nakatalagang numero ng telepono at bibigyan ng isang miyembro ng tauhan ng ROV ang botante ng mga materyal sa pagboto na kakailanganin upang bumoto sa bangketa o sa loob ng kotse. Magagawa ang Pagboto sa Tabi ng Bangketa sa Mga Sentro ng Pagboto at sa opisina ng ROV.