Skip to main content

View May 6, 2025 Special Mail Ballot Official Election Results

Hunyo 24, 2025 Espesyal na Halalan ng mga Nangunang Kandidato

MAGPAREHISTRO UPANG BUMOTO​

Huling araw ng pagpaparehistro upang bumoto:  Hunyo 9, 2025

  • Kung ikaw ay nagpalit ng iyong pangalan o pampulitikang partido, dapat kang magparehistrong muli upang bumoto.
  • Kumpletuhin, pirmahan, at ipakoreo sa: Registrar of Voters, Voter Registration Division, PO Box 611300, San Jose, CA 95161-1300. Ang mga form ng pagpaparehistro na ipinadala sa fax ay hindi tatanggapin.
  • Mga karagdagang impormasyon tungkol sa Pagpaparehistro upang Bumoto​

Kung nakaligtaan mo ang huling araw ng pagpaparehistro ng botante, mayroon kang opsyon na magparehistro sa pamamagitan ng Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante sa Opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante. 

PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREO

Bawat nakarehistrong botante ay makakatanggap ng Balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo simula sa 29 na araw bago ang Araw ng Halalan. Kung kailangan mo ng pamalit na balota, kumpletuhin ang Form ng Paghiling ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na makukuha sa ibaba.

Huling araw ng paghiling na matanggap sa koreo ang Pamalit na Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo: Hunyo 17, 2025

Impormasyon ng mga form sa Aplikasyon ng Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo

​​​​​Ipakoreo o i-fax sa: Registrar of Voters, Vote by Mail Division, PO BOX 611750, San Jose, CA 95161-1750. Fax: (408) 293-6002. 

Ang mga Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo para sa Hunyo 24, 2025 Espesyal na Halalan ng mga Nangunang Kandidato ay magsisimulang ipakoreo sa linggo ng Mayo 26, 2025.