Skip to main content

Go Green by opting out of receiving your printed County Voter Information Guide in the mail and receive it electronically instead.

Go Paperless at County Voter Info Guide Delivery Preference Request.

Abril 8, 2025 Espesyal na Halalan

MAGPAREHISTRO UPANG BUMOTO​

Huling araw ng pagpaparehistro upang bumoto:  Marso 24, 2025

  • Kung ikaw ay nagpalit ng iyong pangalan o pampulitikang partido, dapat kang magparehistrong muli upang bumoto.
  • Kumpletuhin, pirmahan, at ipakoreo sa: Registrar of Voters, Voter Registration Division, PO Box 611300, San Jose, CA 95161-1300. Ang mga form ng pagpaparehistro na ipinadala sa fax ay hindi tatanggapin.
  • Mga karagdagang impormasyon tungkol sa Pagpaparehistro upang Bumoto​

Kung nakaligtaan mo ang huling araw ng pagpaparehistro ng botante, mayroon kang opsyon na magparehistro sa pamamagitan ng Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante sa Opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante. 

PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREO

Bawat nakarehistrong botante ay makakatanggap ng Balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo simula sa 29 na araw bago ang Araw ng Halalan. Kung kailangan mo ng pamalit na balota, kumpletuhin ang Form ng Paghiling ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na makukuha sa ibaba.

Huling araw ng paghiling na matanggap sa koreo ang Pamalit na Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo:  Abril 1, 2025

Impormasyon ng mga form sa Aplikasyon ng Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo

​​​​​Ipakoreo o i-fax sa: Registrar of Voters, Vote by Mail Division, PO BOX 611750, San Jose, CA 95161-1750. Fax: (408) 293-6002. 

Ang mga Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo para sa Abril 8, 2025 Espesyal na Halalan ay magsisimulang ipakoreo sa linggo ng Marso 10, 2025.