Voter's Choice Act Tagalog
I-Click upang bisitahin ang listahan ng mga Drop Box ng Balota at Sentro ng Pagboto
Nandito Na Ang Inyong Magiging Bagong Karanasan sa Pagboto!
Ang pagboto sa Tagapagrehistro ng mga Botante sa County ng Santa Clara ay gagawing modernisado at magbibigay sa mga botante ng mas malaking kaluwagan at kaginhawaan.
Anong Pagbabago?
Umpisa ng ika-5 ng Marso, 2024 Pampresidenteng Primaryang Halalan:
- Ang bawat rehistradong botante ay makakatanggap ng balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo simula sa ika-29 na araw bago ang Araw ng Halalan
- Ang mga botante ay makakaboto sa anumang mga Sentro ng Botohan sa County ng Santa Clara
- Tinatayang 100 Mga Sentro ng Pagboto na bukas nang 11 & 4 na araw, kasama ang Araw ng Halalan
- Ang mga Sentro ng Botohan ay magbibigay ng mas malawak na espasyo, karagdagang serbisyo at bagong pinahusay na kagamitan para sa pagboto
ANG MGA BOTANTE ay magkakaroon ng mas maraming opsiyon at makakapili kung KAILAN, SAAN at PAANO bumoto!
Ano ang mga pagpipilian?
GAMITIN ANG INYONG BALOTA NG PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREO
| O | KUMUHA NG BALOTA SA SENTRO NG BOTOHAN
|
*Ang pangunahing opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante ay magbubukas ng 29 na araw bago ang Araw ng Halalan para sa maagang pagboto.
Implementasyon ng Voter's Choice Act
Ang Voter's Choice Act ay isang bagong batas na naipasa ng Lehislatura sa Estado ng California noong 2016. Ang VCA (Voter's Choice Act) ay matagumpay na isinagawa sa mga County ng San Mateo, Sacramento, Napa, Nevada at Madera sa panahon ng 2018 na mga Halalan. Ang dalawang pinakamalaking County sa California, Los Angeles at Orange, ay sumang-ayon din sa modelo ng VCA para sa 2020 na mga Halalan.
Para sa karagdagan na impormasyon, maaaring tumawag na walang bayad sa: (866) 430-VOTE (8683) o i-email sa: [email protected]
Mga Link para sa mga Botante
- Ano ang Ibig Sabihin ng Voter's Choice Act para sa Akin bilang isang Botante sa Lugar na Botohan?
- Ano ang Ibig Sabihin Voter's Choice Act para sa Akin bilang isang VBM na Botante?
- Mga Madalas Itanong (FAQs)
- Hanapin ang Mga Lokasyon ng isang Drop Box ng Balota
- Hanapin ang Mga Lokasyon ng Sentro ng Pagboto