Komite sa Pagpapayo sa Kakayahan sa Pagboto (VAAC)
Ang Komite sa Pagpapayo sa Kakayahan sa Pagboto (VAAC) ay isang lupon ng mga miyembro ng komunidad na magbibigay ng mungkahi sa Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng Santa Clara kung paano mas mahusay na mapaglilingkuran ng modelong Voter’s Choice Act* ang mga nakatatandang botante at ang mga may kapansanan.
Ang misyon ng Komite sa Pagpapayo sa Kakayahan sa Pagboto ng County ng Santa Clara ay magbigay ng mungkahi at mga rekomendasyon sa Tagapagrehistro ng mga Botante upang mapahusay ang inklusibo at madaling gawing pagboto para sa mga nakatatanda at sa mga may kapansanan.
Ang mga miyembro ay magbibigay ng komentaryo tungkol sa mga bagong lokasyon ng Sentro ng Pagboto na papalit sa mga tradisyonal na lugar ng botohan simula sa 2020 Pampresidenteng Primaryang Halalan. Hinahangad ang mungkahi tungkol sa mga katangian at serbisyo sa mga pasilidad at mga mainam na lokasyon.
Ang mga interesadong partidong may karanasan sa pagtatrabaho o pagboboluntaryo sa mga grupo ng adbokasiya para sa accessibility ay hinihikayat na mag-aplay. Magkakaroon ng proseso ng pagpili pagkatapos matanggap ang mga aplikasyon. Hihilingin sa mga miyembro na dumalo sa mga regular na pagpupulong.
Ang mga miyembro ng komunidad na interesadong maglingkod sa VAAC ay maaaring mag-aplay sa pamamagitan ng pagkumpleto sa online na form na aplikasyon sa VAAC. Maaari ding i-download ng mga miyembro ng komunidad ang papel na aplikasyon sa VAAC at isumite ito sa [email protected].
*Update
Ang susunod na pulong ng VAAC ay gaganapin sa pamamagitan ng teleconference sa Disyembre 16, 2021 mula ika-1:30 ng hapon hanggang ika-3 ng hapon.
Pagpapasyahan ng komite ang mga karagdagang petsa, oras at lokasyon ng pulong.
Mag-email sa amin para sa higit pang impormasyon sa [email protected]. Mangyaring bumalik dito para sa higit pang impormasyon sa VAAC at mga pulong ng komunidad.