Ano ang Ibig Sabihin ng Voter’s Choice Act para sa Akin bilang isang Botante sa Lugar na Botohan?
Ang Voter’s Choice Act ay nagbibigay ng bagong karanasan sa pagboto kung saan ginagawa nitong mas madali at magaling ang pagboto nang personal kaysa dati. Makakatulong ang pag-unawa kung paano magbabago ang proseso ng pagboto para matiyak na mabilis at kampante kang makakaboto.
Ano ang Sentro sa Pagboto?
Ang isa sa mga pinakamalaking pagbabago ng Voter’s Choice Act ay ang hindi na pagkakaroon ng mga nakatalagang lugar ng botohan. Sa halip, makakaboto ka nang personal sa alinmang Sentro sa Pagboto.
Ang isang Sentro sa Pagboto ay isang bagong, madaling pagpipilian para sa personal na pagboto na pamalit sa mga lugar ng botohan. Ang Mga Sentro sa Pagboto ay magiging mas malaki kaysa sa dating lugar ng botohan na may mas maraming tauhang tutulong sa mga botante at mas maraming kagamitan sa pagboto. Sa halip na papuntahin ka sa isang nakatalagang lugar ng botohan, makakapili ka ng alinmang Sentro sa Pagboto sa County. Magiging bukas din ang Mga Sentro sa Pagboto nang ilang araw bago ang halalan, para mabigyan ka ng mas maraming paraan para bumoto sa panahon at lugar na pinakamaginhawa para sa iyo.
Kabilang sa mga pakinabang sa Mga Sentro sa Pagboto ang
- Maaari kang bumoto sa alinmang Sentro sa Pagboto sa County ng Santa Clara na nangangahulugang maaari kang bumoto malapit sa lugar kung saan ka nagtatrabaho, pumapasok sa paaralan, o gumagawa ng mga errand.
- Makakapili ka kung kailan ka boboto. Magiging bukas ang lahat ng Sentro sa Pagboto sa loob ng hindi bababa sa tatlong araw bago ang halalan bukod pa sa Araw ng Halalan. May ilang Sentro sa Pagboto na magsisimulang magbukas 10 araw bago ang halalan. Magiging bukas din kahit sa mga araw ng Sabado at Linggo ang mga Sentro sa Pagboto upang mas padaliin pa ang pag-aayon ng pagboto sa abalang iskedyul mo.
- Ilalagay ang Mga Sentro sa Pagboto sa mga lugar na maginhawa at madaling mapuntahan, kabilang ang mga lugar na malapit sa mga daanan ng pampublikong transportasyon.
- Ang bawat Sentro sa Pagboto ay susuportahan ng mas maraming tauhan kaysa sa dating lugar na botohan, na magbibigay ng mas mahusay na tulong sa pagboto at tulong sa wika upang matiyak na magkakaroon ng pagkakataon ang lahat na mabilang ang boto nila.
- Magkakaroon sa mga Sentro sa Pagboto ng mas marami at bagong kagamitan sa pagboto kaysa sa ginagamit sa dating lugar na botohan. Titiyakin nito na mabilis at mahusay na mapaglingkuran ng bawat Sentro sa Pagboto ang mas maraming mga botante kumpara sa mga lugar na botohan. Magbibigay din ang mga makina sa pagboto ng mas maraming madaling mga paraan para sa mga indibidwal na may mga kapansanan.
Maaari ba Akong Magparehistro upang Makaboto sa Sentro sa Pagboto?
Oo, maaari kang magparehistro upang makaboto o maisapanahon ang iyong pagpaparehistro ng botante sa alinmang Sentro sa Pagboto.
Kung magagawa mong magparehistro upang makaboto bago matapos ang huling araw ng pagpaparehistro (15 araw bago ang Araw ng Halalan), makakatulong ito sa pagtiyak na magkakaroon ka ng mas mabilis at mas maginhawang karanasan sa pagboto kapag pumunta ka sa Sentro sa Pagboto. Gayunpaman, kung hindi ka makakaabot sa huling araw ng pagpaparehistro ng botante, magkakaroon ka ng paraang magsagawa ng Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante sa alinmang Sentro sa Pagboto.
Magbibigay-daan sa iyo ang Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante na makapagparehistro upang makaboto at makapagsumite ng balota sa parehong pagkakataon. Ilalagay mo ang iyong balota sa loob ng sobre at isasara ito bago ihulog sa kahon ng balota. Kapag tapos na iproseso ng Tagapagrehistro ng Mga Botante ang iyong pagpaparehistro ng botante at nakumpirma na niya ang iyong pagiging kwalipikado, bubuksan at bibilangin na ang iyong balota. Matuto pa tungkol sa Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante.
Padadalhan ba Ako ng Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo?
Sa ilalim ng Voter’s Choice Act, awtomatikong padadalhan ang bawat botante ng balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo; gayunpaman, hindi ka inaatasang gamitin ito. Makakapili din ang bawat botanteng pumunta na lang sa Sentro sa Pagboto at personal na bumoto.
Kapag personal kang boboto, awtomatikong mawawalan ng bisa ang iyong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo. Maaari mong isauli ang iyong hindi nagamit na balota sa Sentro sa Pagboto o maaari mo ito mismong sirain at itapon. Isang balota lang ang tatanggapin at bibilangin para sa bawat botante kada halalan.
Mga Link para sa mga Botante
Ano ang ibig sabihin ng Voter’s Choice Act para sa Akin bilang isang VBM na Botante?