Skip to main content

March 5, 2024 Presidential Primary Election Tagalog

MAGPAREHISTRO UPANG BUMOTO​

Huling araw ng pagpaparehistro upang bumoto:  Pebrero 20, 2024

  • Kung ikaw ay nagpalit ng iyong pangalan o pampulitikang partido, dapat kang magparehistrong muli upang bumoto.
  • Kumpletuhin, pirmahan, at ipakoreo sa: Registrar of Voters, Voter Registration Division, PO Box 611300, San Jose, CA 95161-1300. Ang mga form ng pagpaparehistro na ipinadala sa fax ay hindi tatanggapin.
  • Mga karagdagang Impormasyon tungkol sa Pagpaparehistro upang Bumoto​

Kung nakaligtaan mo ang huling araw ng pagpaparehistro ng botante, mayroon kang opsyon na gawin ang Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante​ sa Opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante o sa alinmang Sentro ng Pagboto.

PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREO

Bawat nakarehistrong botante ay makakatanggap ng balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo simula sa 29 na araw bago ang Araw ng Halalan. Kung kailangan mo ng pamalit na balota, kumpletuhin ang Form ng Paghiling ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na makukuha sa ibaba.

Huling araw ng paghiling na matanggap sa koreo ang Pamalit na Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo:  Pebrero 27, 2024

Impormasyon ng mga Form sa Aplikasyon ng Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo

​​​​​Ipakoreo o i-fax sa: Registrar of Voters, Vote by Mail Division, PO BOX 611750, San Jose, CA 95161-1750. Fax: (408) 293-6002. 

Ang mga Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo para sa Marso 5, 2024 Pampresidenteng Primaryang Halalan ay magsisimulang ipakoreo sa linggo ng Pebrero 5, 2024. 

Walang Kinakatigang Partido na mga Botante

Kung ikaw ay nakarehistro sa Walang Kinakatigang Partido, ang iyong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ay walang mga kandidato sa pagkapresidente.

Kung nais mong bumoto para sa Presidente ng U.S., mayroon kang tatlong mga pagpipilian:

  • Kung nais mong bumoto sa mga primarya ng partidong Amerikanong Independiyente, Demokratiko o Libertaryan, kailangan mong hilingin ang balota sa partidong iyon. HINDI mo kailangang muling magparehistro.
    • Maaari ka ring humiling ng balota sa alinmang Sentro ng Pagboto. Ang listahan ng mga lokasyon at oras ay makikita dito
    • Ipadala ang iyong kahilingan sa pamamagitan ng pagsumite ng form sa pamamagitan ng koreo, telepono, email, o fax: 

              Registrar of Voters 
              Vote by Mail Division 
              P.O. Box 49003 
              San Jose, CA 95161-9954

              Phone: (408) 299-VOTE o Walang Bayad 866-430-VOTE 
              Email: [email protected] 
              Fax: (408) 293-6002

  • Kung nais mong bumoto sa mga primarya ng partidong Luntian, Kapayapaan at Kalayaan, o Republikano, KAILANGAN mong muling magparehistro hanggang Pebrero 20, 2024 upang makatanggap ng balota para sa partidong iyon. 
  • Kung ang botante ng Walang Kinakatigang Partido ay HINDI humiling ng crossover na balota, tatanggap sila ng Balota sa Primaryang Halalan nang walang anumang kandidato sa pagkapresidente na nakalista.