Ano ang Mangyayari Pagkatapos Kong Magparehistro para Bumoto?
Ang Tagapagrehistro ng Mga Botante (ROV) ay nakakatanggap ng libu-libong mga form sa pagpaparehistro ng botante at mga pagsasapanahon ng mga tala ng botante araw araw. Ang pagpapanatili ng database ng mga rehistradong botante ay isang pangunahing tungkulin ng ROV.
Maaaring tumagal ng hanggang limang araw ng trabaho upang maiproseso ang iyong form ng pagpaparehistro ng botante pagkatapos naming matanggap ito. Kasama sa panahong ito ang pagkumpirma ng impormasyon na ibinigay mo sa iyong form sa Kalihim ng Estado at lubusang pagsuri sa database para sa mga magkakaparehong mga tala. Upang suriin ang iyong katayuan sa pagpaparehistro, mangyaring gamitin ang aming online na registration look up tool.
Pagkatapos mong marehistro upang bumoto, kukumpirmahin ng ROV ang iyong pagpaparehistro sa pamamagitan ng pagpapadala sa iyo ng postcard at mga materyales sa pagboto:
- Makakatanggap ka ng Kard ng Notipikasyon sa Botante
Pagkatapos ng pagproseso ng iyong form ng pagpaparehistro, ang ROV ay magpapadala sa iyo ng isang postcard. Ang Kard ng Notipikasyon sa Botante (VNC) na ito ay nagpapatunay na ikaw ay nakarehistro upang bumoto. Mangyaring magbigay ng apat hanggang anim na linggo pagkatapos mong magparehistro upang matanggap ang postcard na ito.
Kapag natanggap mo ang Kard ng Notipikasyon sa Botante (VNC), mangyaring suriin ang naka imprenta na impormasyon upang matiyak na tama ito. Kung may nakita kang mali, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected] o sa pamamagitan ng pagtawag sa (866) 430-VOTE [8683].
Kung ikaw ay nagpa pre-register para bumoto noong ikaw ay 16 o 17, padadalhan ka ng postcard ng Kalihim ng Estado na nagpapaalam sa iyo na natanggap at naiproseso ang iyong aplikasyon. Pagkatapos, sa sandaling ikaw ay 18, ang Tagpagrehistro ng Mga Botante ay isasaaktiba ang iyong pagpaparehistro at magpapadala sa iyo ng isang VNC upang kumpirmahin na ikaw ay nakarehistro upang bumoto.
- Makakatanggap Ka ng Mga Patnubay na Impormation para sa Botante
Mga 40 araw bago ang bawat halalan, sinisimulan ng ROV ang pagpapakoreo sa bawat rehistradong botante na nasa listahan sa panahong iyon ng isang lokal na Patnubay na Impormasyon para sa Botante ng County (CVIG) na may makakatulong na impormasyon tungkol sa halalan, kabilang ang kung ano ang nasa iyong balota, ang lokasyon at oras ng bawat Sentro ng Pagboto at lokasyon ng Drop Box ng Balota, mga pangunahing deadline at isang halimbawa ng iyong opisyal na balota ng botante. Kung ikaw ay magparehistro upang bumoto pagkatapos ng pagpapakoreong ito at mas malapit na sa halalan, ang ROV ay magpapadala sa iyo ng isang postcard ng notipikasyon na nagpapaalam sa iyo kung paano mo maaaring suriin ang iyong Patnubay na Impormasyon para sa Botante ng County (CVIG) online.
Maaari kang pumili upang mag "Go Green" at mag opt out sa pagtanggap ng isang papel na bersyon ng CVIG ng County at simpleng suriin ito online. Bisitahin ang aming online preference form.
Ang opisina ng Kalihim ng Estado ay naghahanda at nagpapadala sa koreo ng Patnubay na Impormasyon para sa Botante ng Estado na naglalaman ng impormasyon ng mga kandidato at panukala sa buong estado.
- Makakatanggap Ka ng Balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
Sa ika-29 na araw bago ang bawat halalan, sinisimulan ng ROV ang pagpapakoreo sa bawat rehistradong botante ng isang pakete na naglalaman ng balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo, mga tagubilin sa pagboto, mga lokasyon at oras kung saan maaari mong ihulog ang iyong balota, at isang sobreng seguridad upang maprotektahan at maibalik ang iyong boto.
Kung hindi ka nakatanggap ng mga materyales sa pagboto at naniniwala kang karapat-dapat kang bumoto, maaari mong gamitin ang aming self-serve voter registration look-up tool o tawagan kami sa (866) 430-VOTE [8683] at humingi ng tulong.
- Iba pang mga Paunawa na Maaari Mong Matanggap
Maaaring maraming dahilan kung bakit nagpapadala ang ROV ng abiso o anunsyo sa koreo sa mga botante, bukod pa sa mga materyales sa pagboto. Ang mga abisong ito ay maaaring ipadala bago o sa panahon ng isang halalan o sa buong taon, kaya mahalagang panatilihing napapanahon ang iyong impormasyon sa pagpaparehistro.
Ang mga Kard ng Notipikasyon sa Botante at Paunawa ay direktang ipinapadala sa mga botante para kumpirmahin ang kamakailang pagbabago na ginawa nila sa kanilang pangalan, tirahan o kaanib na partidong pampulitika. Ang ROV ay tumatanggap ng data mula sa Post Office at ng National Change of Address (NCOA) na nagpapalitan na sumasalamin sa parehong mga pagsasapanahon sa tirahan at mga pagbabago na nagreresulta sa hindi maihahatid na koreo. Ang ROV ay magpapadala ng espesyal na abiso sa mga botante upang kumpirmahin ang katumpakan ng impormasyong natanggap.
Ang mga Pahayag Kaugnay sa Hindi Napirmahang Balota ay ipinapadala sa mga botante na nakalimutang lagdaan ang kanilang sobre ng pagbabalik sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo, o Pahayag sa Pagpapatunay ng Pirma ay maaaring ipakoreo upang maisapanahon ng botante ang kanilang lagda at maiproseso ang kanilang balota.
Ang Edukasyon at mga Anunsyo sa Botante ay ipinapadala upang matulungan ang mga botante na makapaghanda para sa mga darating na pagbabago. Halimbawa, ang ROV ay magpapadala ng mga paunawa at paalala sa mga botante tungkol sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo sa County ng Santa Clara at mas malaking modelo ng pagboto sa Sentro ng Pagboto sa ilalim ng Voter's Choice Act. Bago ang Pampresidenteng Primaryang Halalan, nagpapadala rin ang ROV ng impormasyon sa bawat botante na di-partidista kung paano humiling ng balota ng partidong pampulitika mula sa mga nagpapahintulot na partido.
Visit our Voter registration forms and FAQs page para sa karagdagang impormasyon.