Sumali sa isang Komite o Koalisyon
Mayroon ka bang karanasan sa pagtatrabaho o pagboboluntaryo sa iba't ibang komunidad o organisasyon sa County ng Santa Clara na nagbibigay ng serbisyo sa mga botante na may mga hadlang sa kailangan sa wika o pisikal na access?
Ikaw ba ay isang tagapagturo o eksperto sa outreach na maaaring magbigay ng pananaw sa kung paano maabot ng Tagapagrehistro ng Mga Botante ang ating iba't ibang mga komunidad?
Mula noong 2019, ang Tagapagrehistro ng Mga Botante (ROV) ng County ng Santa Clara ay lumikha ng mga anunsyo para sa mga oportunidad sa pagboluntaryo para sa publiko – ang Komite sa Pagpapayo sa Paggamit ng Wika (LAAC), ang Komite sa Pagpapayo sa Kakayahan sa Pagboto (VAAC) at ang Koalisyon para sa Edukasyon at Pakikipag-ugnayan sa Botante (VEOC). Ang mga miyembro ay magkakaroon ng bukas na komunikasyon sa ROV Team at makakuha ng pananaw tungkol sa kung paano sama-sama maaari tayong gumawa ng mga pagpapahusay at dagdagan ang access sa pagpaparehistro at pagboto sa County ng Santa Clara.
Makakahanap ka ng mga link sa bawat grupo sa ilalim ng pull down menu ng Voter's Choice Act sa homepage ng ROV. O, maaari mong basahin sa ibaba ang isang maikling paglalarawan at makahanap ng isang link upang ma access ang bawat pahina kung saan makikita mo ang mga aplikasyon ng miyembro ng komite, mga anunsyo tungkol sa mga paparating na pulong, agenda at minutes, at pag access sa mga paksa at materyales hingil sa paghahanap ng ROV ng input ng publiko.
Narito ang isang buod sa mga paraan kung papaano makibahagi at magbigay ng makabuluhang komento tungkol sa kung paano ang Tagapagrehistro ng Mga Botante ng County ng Santa Clara (ROV) ay nagbibigay ng access sa at impormasyon tungkol sa pagpaparehistro ng botante at pagpapatala ng isang balota:
Komite sa Pagpapayo sa Paggamit ng Wika (LAAC)
Ang Komite sa Pagpapayo sa Paggamit ng Wika (LAAC) ay isang lupon ng mga miyembro ng komunidad na nagbibigay ng input sa kung paano ang Tagapagrehistro ng Mga Botante ay maaaring mas mahusay na makapaglingkod sa mga nakatatandang botante na ang pangunahing wika ay hindi Ingles.
Depende sa pangangailangan, maaaring magkaroon ng buwanan o kada tatlong buwan na mga pagpupulong ang Komite sa Pagpapayo sa Paggamit ng Wika (LAAC). Hihilingin sa mga hinirang na miyembro na dumalo sa mga nakatakdang pagpupulong. Ang lahat ng mga pagpupulong ay bukas sa publiko.
Komite sa Pagpapayo sa Kakayahan sa Pagboto (VAAC)
Ang Komite sa Pagpapayo sa Kakayahan sa Pagboto (VAAC) ay isang lupon ng mga miyembro ng komunidad na nagbibigay ng input sa kung paano ang Tagapagrehistro ng Mga Botante ay maaaring mas mahusay na makapaglingkod sa mga nakatatandang botante na ang pangunahing wika ay hindi Ingles.
Depende sa pangangailangan, maaaring magkaroon ng buwanan o kada tatlong buwan na mga pagpupulong ang Komite sa Pagpapayo sa Kakayahan sa Pagboto (VAAC). Hihilingin sa mga hinirang na miyembro na dumalo sa mga nakatakdang pagpupulong. Ang lahat ng mga pagpupulong ay bukas sa publiko.
Koalisyon para sa Edukasyon at Pakikipag-ugnayan sa Botante (VEOC)
Ang Koalisyon para sa Edukasyon at Pakikipag-ugnayan sa Botante (VEOC) ay isang magkakaibang koleksyon ng mga miyembro ng komunidad na nakikipagtulungan sa Tagapagrehistro ng Mga Botante upang magbigay ng komento sa mga materyales sa pag outreach at edukasyon ng botante at makatulong na matukoy at mag imbita sa mga karagdagang komunidad na maaaring wala sa pag-uusap.
Maaari ring magboluntaryo ang mga miyembro ng koalisyon upang makatulong na turuan at ipaalam sa mga botante sa kanilang mga komunidad ang tungkol sa bagong pagsisikap sa outreach ng Tagpagrehistro ng Mga Botante tungkol sa lokal na Batas sa Mga Karapatan ng Mga Botante, mga pagbabago na may kaugnayan sa pagpaparehistro ng botante at pagboto upang maging isang embahador para makatulong na mapalakas ng Tagapagrehistro ng Mga Botante ang aming pagmemensahe, at upang tumulong sa paglalagay ng tauhan sa isang lokasyon ng botohan sa panahon ng isang halalan.
Depende sa pangangailangan, maaaring magkaroon ng buwanan o kada tatlong buwan na mga pagpupulong ang Koalisyon para sa Edukasyon at Pakikipag-ugnayan sa Botante (VEOC). Hihilingin sa mga hinirang na miyembro na dumalo sa mga nakatakdang pagpupulong. Ang lahat ng mga pagpupulong ay bukas sa publiko.