Tungkol sa Amin
Misyon
Protektahan at Siguraduhin ang Karapatan ng Komunidad na Lumahok sa Makatarungan, Pangkalahatan, Tumpak, at Bukas na mga Halalan
Bisyon
Maging Modelo ng Integridad, Inobasyon, at Pagbibigay-kapangyarihan sa Komunidad sa mga Halalan
Mga Pinahahalagahan
Upang Makamit ang aming Misyon at Bisyon, Kinakailangang Kami ay:
- Mga Tagapangasiwa ng Halalan na Nagpapanatili ng Integridad at Pagiging Bukas
- Nakatuon, Nakikilahok, at may Matinding Pagmamahal sa Trabaho
- Nagtutulungan sa Aming Trabaho at Komunikasyon
- Magkakahanay, Disiplinado, at Mabilis sa Aming Pagpapatupad
- Matapang, may Inobasyon, at Bukas na Subukan ang mga Bagong Bagay
- Mapagkakatiwalaan at May-pananagutan sa aming Komunidad at mga Kapwa Empleyado
- Patas sa Aming Paraan ng Pagpapasiya at sa Kung Paano Kami Maglaan ng mga Yaman at Oportunidad
- Hindi Pabagu-bago sa Pagbibigay ng Kaalaman at Mahusay na Serbisyo
- Sinasaklaw ang lahat sa pamamagitan ng Pagrespeto, Paggalang, at Pagpapahalaga sa Pagiging Natatangi ng Ating Komunidad at mga Kapwa Empleyado
Higit sa isang daang sentro ng pagboto ang kailangang mahanap, at daan-daang manggagawa sa sentro ng pagboto ang kailangang i-recruit at sanayin. Ang mga opisyal na balota ay nilikha sa walong wika at mga facsimile na balota sa limang karagdagang wika. Ang bawat piraso ng kagamitan sa pagboto ay kailangang masuri, at ang mga suplay ay kailangang ihanda at maihatid sa bawat presinto. Sampu-sampung libong mga aplikasyon ng pagpaparehistro ng botante ang kailangang iproseso at, ang mga balota ay kailangang ipadala sa koreo sa mahigit isang milyong mga botante ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo.
Sa lahat ng ito, dapat tayong maging bukas at malinaw, siguraduhing nauunawaan ng publiko ang ating mga operasyon, at hinihikayat ang input at pakikilahok ng komunidad sa proseso ng mga halalan.
Kapag ang huling resulta ng halalan ay inilabas, ang mga botante ay maaaring magkaroon ng buong tiwala sa kanilang katumpakan at integridad.
Upang malaman ang higit pa tungkol sa aming opisina at sa gawaing ginagawa namin, mangyaring i-download ang Gabay sa Tagapagrehistro ng Mga Botante ng County ng Santa Clara.