Skip to main content

View June 24, 2025 Special Runoff Unofficial Election Results

Mga Madalas Itanong tungkol sa Seguridad ng Halalan

Election Security FAQs

Mga Madalas Itanong tungkol sa pagtanggap ng impormasyon sa halalan at pag-uulat ng mga alalahanin

Nagpapadala ba ang Tagapagrehistro ng mga Botante ng email o text message upang humingi ng kumpidensyal na impormasyon ng botante? 

Hindi. Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay HINDI hihingi sa iyo na ibahagi ang anumang impormasyon sa pagpaparehistro sa pamamagitan ng email, text message o direktang mensahe mula sa alinman sa aming mga account sa social media. Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay TANGING nakikipag-ugnayan nang direkta sa mga botante sa pamamagitan ng liham o tawag sa telepono. 

Ang mga botante ay hindi dapat kailanman magbahagi ng personal na impormasyon ng botante sa isang hindi pinagkakatiwalaang pinagmulan, huwag mag-click sa isang link na ibinibigay sa kanila sa pamamagitan ng text message o email, at huwag kailanman ibahagi ang numero ng kanilang Seguridad Sosyal o Lisensya sa Pagmamaneho sa sinumang hindi pinagkakatiwalaan.

Gumagamit ba ang Tagapagrehistro ng mga Botante ng social media upang magbahagi ng mahahalagang impormasyon sa mga botante? 

Oo. Ang Tagapagrehistro ng mga Botante (ROV) ay mayroong aktibong website at tatlong account sa social media na nagbibigay ng pangunahing impormasyon tungkol sa halalan. Kahit sino ay maaaring bumisita sa website ng ROV at ma-redirect sa mga opisyal na mga account sa social media ng ROV. Makikita kami sa Facebook, X, at Instagram sa pangalang “SCCVote.” Maaari kang mag-sign up upang makatanggap ng mga paunawa kapag may bagong impormasyon na ibinabahagi upang malaman mo ang mga deadline at kaganapan ng halalan mula sa isang pinagkakatiwalaang mapagkukunan. 

Mayroon din ang ROV ng mobile app sa parehong pangalan upang manatili kang konektado at maalam! Hanapin ang SCCVote sa app store. 

Tandaan na maging maingat. Sa panahon ng halalan, maaari kang mapuno ng halo-halong impormasyon mula sa social media, balita, mga email na natanggap mo at maging mga bagay na naririnig mong pinag-uusapan ng iba. Mahalaga na malaman mo na ang sinusundan mo ay isang pinagkakatiwalaan at na-verify na mapagkukunan ng impormasyon. Maraming mga account sa social media ang napatunayan na “na-verify” sa pamamagitan ng pagpapakita ng kulay asul na check mark.

Paano ko matitiyak na ang impormasyong natanggap ko tungkol sa halalan ay tama? 

Sa mga linggo na papalapit ang halalan, ang mga kampanya ng mga kandidato at mga panukala sa balota ay magiging mas aktibo upang hikayatin ang mga tao na bumoto. Kung tumanggap ka man ng isang email, tawag sa telepono, postkard sa koreo, o may kumatok sa iyong pintuan, dapat mong suriin ang impormasyong natanggap mo. Narito ang ilang mungkahi kung paano ka maaaring maging maingat sa impormasyong iyong isaalang-alang at ibabahagi:

  • Ihambing ito sa impormasyon sa mga website ng Tagapagrehistro ng mga Botante o sa Kalihim ng Estado ng California o tawagan ang iyong estado o lokal na opisyal ng halalan at tanungin kung ang impormasyon ay alinsunod sa batas.
  • Hanapin ang pinagmulan at tiyaking ito ay alinsunod sa batas. Sa pinakamainam, ang isang ligtas na website ay nagpapakita ng isang address ng kalye, email address, at numero ng telepono o kahit isang account sa social media kung mayroon sila. Bagama’t hindi ito nagbibigay ng proteksyon, maaari itong magpahiwatig na ang site ay alinsunod sa batas.
  • Maraming mga account sa social media ang nasuri sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang check mark sa tabi ng pangalan ng account. Upang makakuha ang account ng kandidato o kampanya ng antas ng pagpapatunay, kinakailangan ng may-ari na magkaroon ng aktibong email bukod sa iba pang mga kadahilanan ng pagpapatunay upang kumpirmahin kung ito ay alinsunod sa batas.
  • Hanapin ang logo ng Opisyal na Halalan sa Koreo sa iyong koreo upang makatugma ito sa iba pang koreo ng halalan. Ang Sistemang Postal ng Estados Unidos ay lumikha ng isang espesyal na logo na maaari lamang gamitin ng mga awtorisadong opisyal ng halalan bilang isang paraan ng pagtukoy na ang koreo ng halalan ay mula sa isang legal na mapagkukunan ng gobyerno. Halimbawa nito ay ang mga kard ng pagpaparehistro ng botante at paunawa, mga balota sa Pagboto sa Pamamagitan Koreo, mga patnubay na impormasyon para sa botante at iba pang mga paunawa ng halalan na ipinadala ng isang opisyal ng halalan. Ang pampulitikang koreo mula sa isang komite ng kandidato o ng kampanya o partidong pampulitika ay HINDI itinuturing na koreo ng halalan.
  • Nakakuha ka ba ng link o naghahanap sa Internet ng impormasyon tungkol sa halalan at ang iyong mga resulta ay nagbigay sa iyo ng isang website na hindi ka sigurado kung totoo? Maaari mong i-double check ang impormasyon sa pamamagitan ng paggawa ng hiwalay na pananaliksik para sa parehong katotohanan o gumamit ng mga website tulad ng Snopes.com, na nilalabanan ang maling impormasyon mula pa noong 1994, o FactCheck.org, na pinatatakbo ng Annenberg Public Policy Center, upang kumpirmahin na ang impormasyong natanggap ay totoo.
  • Ang “s” sa “https” ay hindi palaging nagpapahiwatig ng seguridad o may bisa ang website. Sa paglawak ng internet at pagtaas ng phishing, ang mga pekeng website ay maaari pa ring gumamit ng libreng sertipikasyon ng SSL upang sabihin na ito ay ligtas, kahit na hindi ito totoo. Sa mga panahong ito, kailangang maging pinakamahusay na imbestigador para matiyak na ang site ay legal at ligtas.

Para makita ang mga patakaran ng County ng Santa Clara tungkol sa mga link at pagiging pribado ng website, mag-scroll sa ibaba ng anumang pahina sa aming site at hanapin sa ilalim ng pangalawang column na pinamagatang, Mga Tuntunin ng Paggamit.

Paano ko masusuri ang katayuan ng aking pagpaparehistro ng botante? 

Nag-aalok ang Tagapagrehistro ng mga Botante ng isang online na sistema ng self-verification kung saan maaaring masuri ng mga botante ang kanilang katayuan sa pagpaparehistro. Hihingin ang iyong pangalan at apelyido, numero ng lisensya sa pagmamaneho o numero ng pagkakakilanlan ng estado, ang huling apat na numero ng iyong seguridad sosyal, at petsa ng kapanganakan. 

Mula sa home page ng Tagapagrehistro ng mga Botante, i-click lamang ang alinman sa mga link na nakalista sa ilalim ng aming Mga Popular na Serbisyo upang maidirekta sa aming online na self-serve portal. 

Pinapayagan ka rin ng sistema na “Go-Green” at piliing mag opt-out sa pagtanggap ng iyong Patnubay na Impormasyon para sa Botante ng County (CVIG) sa koreo at suriin ito kasama ng isang halimbawa ng iyong opisyal na balota online, hanapin ang isang opisyal na Lokasyon ng Drop-off ng Balota o Sentro ng Pagboto, subaybayan ang pagbabalik ng iyong Balota sa Pamamagitan ng Koreo  o Pansamantalang balota, tingnan ang mga resulta ng halalan, at marami pang iba. 

Dumirekta sa aming online na sistema mg self-serve. Maaari mo ring kumpirmahin ang iyong katayuan ng pagpaparehistro sa pamamagitan ng pagtawag na walang bayad sa (866) 430-VOTE [8683].

Paano ko masusubaybayan ang aking balota at malaman kung ito ay nabilang? 

Maaari mong subaybayan ang katayuan ng iyong balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo o, ang balota ng Kondisyonal na Botante, o ang Pansamantalang balota online sa pamamagitan ng self-serve na portal ng Tagapagrehistro ng mga Botante na makikita mula sa aming Homepage sa ilalim ng mga Popular na Serbisyo. 

Maaari ka ring mag-sign up para sa mga serbisyo ng notipikasyon ng Kalihim ng Estado sa WheresMyBallot.sos.ca.gov upang makakuha ng awtomatikong notipikasyon sa email, SMS (text), o tawag sa telepono tungkol sa iyong balota.

Kung ang aking pirma ay nagbago sa paglipas ng panahon, mabibilang pa rin ba ang aking balota? 

Sanay tayong makitang nagbabago ang mga pirma sa paglipas ng panahon. Ang pagbabago sa iyong pirma ay hindi maaaring maging sanhi ng hindi nito paghahambing. Kung ang isang miyembro ng mga tauhan ay hindi makumpirma ang iyong pirma sa binotohang balota sa sobre ng pagbabalik ng balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo kumpara sa pirma sa talaan, ang iyong balota ay dadaan sa iba't ibang antas ng beripikasyon bago ito ituring na hindi tugma. Kung malaki ang pagbabago sa iyong pirma at hindi ito maihahambing sa mga pirma na mayroon kami sa aming database, magpapadala kami sa iyo ng “Form ng Pagpapatunay ng Pirma” na, kung iyong ibabalik, ay gagamitin upang iproseso ang iyong balota. 

Alam mo ba.... Sa loob ng maraming dekada, ang Departmento ng Sasakyang de Motor ng California ay nagbibigay ng mga serbisyo sa pagpaparehistro ng botante sa mga tao sa DMV na kumukuha ng bagong lisensya sa pagmamaneho o ID kard sa estado. Nangangahulugan ito na ang pirma na ginagamit mo sa DMV ay kapareho ng pirma na nakatala sa opisyal ng halalan ng iyong county. 

Bisitahin ang pahina sa aming mga Form ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo at Mga Madalas Itanong para sa mga kasagutan sa mga tanong sa proseso.

Saan ko mahahanap ang Batas sa Karapatan ng mga Botante sa California? 

Ang Kalihim ng Estado ay nagbabahagi ng Batas sa Karapatan ng mga Botante sa California sa print at video. Ang legal na teksto ng Batas ay makikita sa Seksyon 2300 at 2302 ng Kodigo ng mga Halalan ng California.

Ang Batas sa Karapatan ng mga Botante sa California ay makukuha sa bawat lokasyon ng Sentro ng Pagboto ng County at ito ay naka-print sa lahat ng wika na ipinagkakaloob ng County para sa mga materyal sa halalan: Ingles, Intsik, Gujarati, Hindi, Hapon, Khmer, Koreano, Nepali, Punjabi, Espanyol, Tagalog, Tamil, Telugu at Biyetnamis.

Kung hindi mo mahanap ang Batas sa Karapatan ng mga Botante sa iyong Sentro ng Pagboto, mangyaring humingi ng tulong sa isang Tauhan ng Halalan.

Ano ang mga patakaran para sa pangangampanya malapit sa aking Sentro ng Pagboto? 

Ang pagprotekta sa iyong karanasan sa pagboto at pagiging malaya mula sa pananakot ay isang napakahalagang bahagi ng demokrasya. Kasama sa batas ng halalan sa California ang mga patakaran para sa aktibidad na ito na tinatawag na electioneering. Maraming mga botante ang nalilito sa kung ano ang pinahihintulutan sa ilalim ng “electioneering,” na nagaganap bago ang pagboto at “exit polling” na nagaganap pagkatapos umalis sa lokasyon ng pagboto.

Ang electioneering ay tinukoy sa ilalim ng Seksyon 319.5 ng Kodigo sa mga Halalan ng California bilang, “ang nakikita o naririnig na pagpapahayag ng impormasyon na nagsusulong para o laban sa sinumang kandidato o panukala sa loob ng 100 talampakan mula sa [lokasyon ng pagboto]”, kabilang ang mga lugar kung saan ang mga botanteng bumoto sa pamamagitan ng koreo ay nagbabalik ng kanilang balota sa isang Lokasyon ng Drop-off ng Balota. Ang kabilang sa electioneering ay ang pagsusuot ng damit, sticker o pin, o pamamahagi ng mga materyales, pagpaskil ng mga karatula o pag cheer o pagpapakita ng suporta para sa isang kandidato o panukala. Maaari mo ring basahin ang karagdagang impormasyon tungkol sa electioneering na makikita sa mga Seksyon 18370-18371 ng Kodigo ng mga Halalan.

Ang exit polling ay hindi itinatadhana ng batas ng California, ngunit ito ay ginagabayan ng mga patakaran na inilabas mula sa Kalihim ng Estado. Ang mga pahayagan ng balita o iba pang mga organisasyong nagsasagawa ng survey sa mga botante pagkatapos nilang bumoto ay karaniwang tinatawag na exit polling at pinapayagan hangang 25 talampakan mula sa lokasyon ng pagboto. 

Sa anumang paraan, labag sa batas para sa sinumang tao ang makibahagi sa pananakot, pagbabanta, karahasan, suhol, pangangalap, o anumang iba pang aktibidad upang hiyatin ang mga tao na hindi kwalipikado na subukang bumoto, o upang hadlangan o pigilan ang mga tao sa pagboto. Ang mga tauhan sa halalan ay sinanay na magmasid at makialam kung kinakailangan.

Maaari ba akong kumuha ng “selfie” at nang aking balota at ibahagi iyon sa social media? 

Oo, maaari…. ngunit may kaakibat na pag-iingat. Maaari mong kunan ng larawan ang iyong sarili at nang iyong balota, kung HINDI mo nilalabag ang iba pang mga batas, hindi inihahayag ang binotohang balota ng ibang tao o nakikialam sa proseso ng pagboto. Kaya, ang kusang pagkuha ng larawan at pagsisiwalat ng iyong sariling balota ay pwede

Maging maingat. Ang mga botante na kumukuha ng “selfie ng balota,” ay dapat mag-ingat na ang ilan sa kanilang mga materyal sa pagboto ay naglalaman ng kanilang pangalan at address at dapat, samakatuwid, ay siguraduhing itago ang personal na impormasyon bago kumuha ng larawan. Ang mga bumoboto nang personal sa isang Sentro ng Pagboto ay dapat mag-ingat na ang iba sa loob ng Sentro ng Pagboto ay maaaring AYAW na makunan ng larawan o hindi sinasadyang maisiwalat ang kanilang boto. Samakatuwid, mag-ingat sa iyong paligid bago kumuha ng larawan.

Sino ang maaari kong kontakin kung kailangan kong mag-ulat ng isang alalahanin? 

Maaari mong kontakin ang mga sumusunod na ahensya kung nais mong gumawa ng ulat tungkol sa pagpaparehistro ng mga botante o mga petisyon, o mga aktibidad ng halalan. Kung ang iyong alalahanin ay may kaugnayan sa isang sitwasyon sa loob ng County ng Santa Clara, mangyaring kontakin muna ang Tagapagrehistro ng mga Botante ng County.

Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng Santa Clara 

Lahat ng mga alalahanin tungkol sa mga kaganapan sa pagpaparehistro ng botante, mga petisyon, at mga halalang isinasagawa sa County ng Santa Clara
Tumawag sa: (408) 299-VOTE [8683]
o
Walang Bayad sa: (866) 430-VOTE [8683]
Email: [email protected]

Kalihim ng Estado ng California

Mga alalahanin tungkol sa mga kaganapan sa pagrehistro ng botante sa estado, mga petisyon ng estado, mga naaprubahang teknolohiya ng pagboto sa California at pambuong estadong halalan.
Bisitahin ang Vote Sure para sa karagdagang impormasyon at pagkatapos ay magpadala ng email sa: [email protected]

California Fair Political Practices Commission

Mga alalahanin tungkol sa mga aktibidad ng kampanyang pampulitika, mga pampulitikang patalastas, at paghahayag na pinansyal para sa mga estado at lokal na kampanya
Tumawag sa: (916) 322-5660
Maghain: Electronic Complaint
Email: [email protected]

Federal Election Commission

Ang mga alalahanin tungkol sa aktibidad ng kampanya sa politika at pagsusuri sa paghahayag na pinansyal para sa mga pederal na opisyal at kandidato ay dapat isumite sa pamamagitan ng opisyal na sulat.

How to File a Complaint with the FEC

Saan ako ipagbibigay-alam ang tungkol sa pagnanakaw o paninira ng mga karatula sa kampanya?

Ito ay karaniwang isang lokal na isyu at tinatrato tulad ng anumang iba pang minor na krimen sa ari-arian at maaaring ipagbigay-alam sa iyong lokal na Kagawaran ng Pulisya ng Lunsod o Siyerip ng County. Ang mga lunsod sa Santa Clara County ay maaaring magkaroon ng mga partikular na ordinansa na nagbabawal sa pagnanakaw ng karatula ng kampanya at paninira. Suriin sa iyong lokal na Klerk ng Lungsod.

Ang mga tao ay maaari ding makipag-ugnayan sa lokal na pangkat ng Liga ng mga Kababaihang Botante, kanilang Klerk ng Lunsod o Tagapamahala ng Lunsod, at magkalapit na County na mga Opisyal sa Halalan, tulad ng Klerk ng County ng Santa Cruz, Mga Halalan sa County ng Monterey o Klerk ng County ng San Benito na mga totoo at pinagkakatiwalaang ring kasosyo.

Upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang tungkol sa proseso ng mga halalan, ang Kalihim ng Estado ng California ay naglabas ng isang aklat, “Voting Law Compliance Handbook: Isang Patnubay para sa Botante na Pangalagaan ang Proseso ng Halalan ng California," na naglalaman ng isang listahan ng mga tanong at sagot tungkol sa mga paksa tulad ng pagrehistro para bumoto at pagboto, mga petisyon, mga dapat gawin at hindi dapat gawin sa kampanya, at iba pang nakakatulong na impormasyon.

Mga Madalas Itanong tungkol sa kung ano ang ginagawa ng County upang protektahan ang mga halalan

Nakikipagsosyo ba ang County ng Santa Clara sa ibang mga ahensya upang malaman ang tungkol sa mga banta at pagdagdag ng seguridad?

Oo. Ang County ng Santa Clara ay sumali sa Multi-State Information Sharing and Analysis Center, o MS-ISAC, na itinatag ng Sentro ng Internet Security (CIS). Ang misyon ng Sentro ay pahusayin ang pangkalahatang cybersecurity ng bansa sa pamamagitan ng pag-iwas, proteksyon, pagtugon at pagbawi. Upang higit pang palawakin ang mga pagsisikap, nakikipagtulungan ang MS-ISAC sa iba pang mga ahensya at network, tulad ng Kagawaran ng Homeland Security ng Estados Unidos, Global Cyber ​​Alliance, Public Technology Institute, at mga organisasyon tulad ng "Stop, Think, Connect," na nagtuturo sa mga tao kung paano paigtingin ang kanilang sariling kaligtasan sa online.

Sa labas ng MS-ISAC, ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay sumali sa Election Infrastructure Information Sharing and Analysis Center (EI-ISAC) at nakikipagtulungan din sa mas malalaking ahensya ng estado at pederal tulad ng Homeland Security, Federal Bureau of Investigation, Opisina ng Emergency Services ng California at ang Kalihim ng Estado upang tumanggap at magbahagi ng impormasyon upang mapabuti ang seguridad ng halalan. Sa lokal, ang Lupon ng mga Superbisor ng County, Siyerip ng County, Klerk ng Lungsod at Mga Tagapamahala ng Lungsod, at mga lokal na departamento ng bumbero at pulisya ay nagtutulungan din upang higit pang protektahan ang ating imprastraktura sa halalan.

Panoorin ang maikling video na presentasyon ng isang miyembro ng MS-ISAC tungkol sa klase ng impormasyong ipinamahagi sa mga opisyal ng halalan ng Sentro at mga halimbawa ng pinakamahuhusay na kagawian na ginagamit ng mga opisyal ng halalan upang mapataas ang seguridad ng ating mga halalan sa bansa.

Mayroon bang anumang mga pamantayan ang County kung paano nito pahusayin ang seguridad?

Oo. Mula noong 2018, ang County ay gumawa ng mga hakbang upang suriin at pagbutihin ang security posture nito. Ang diskarte ng County "Defense in Depth" ay kasama ang pisikal, teknolohikal at administratibong mga kontrol upang protektahan ang sistema ng pamamahala ng halalan.

Magbasa ng higit pa tungkol sa mga pamantayan sa pagprotekta ng mga system at datos ng County.

Paano Mapoprotektahan ng Tagapagrehistro ng mga Botante ang Kagamitan sa Pagboto para sa Maramihang Araw sa mga Sentro ng Pagboto?

Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay bumuo ng isang Plano sa Pangangasiwa ng Halalan na naglalarawan ng isang pangkalahatang-ideya kung paano magsasagawa ng mga halalan ang County sa ilalim ng bagong modelo ng Voter's Choice Act. Sa ilalim ng bagong modelo, ang mga Sentro ng Pagboto ay dapat na bukas para sa pagboto hanggang 10-araw bago ang Araw ng Halalan. Ang mga bagong pamamaraan ng Tauhan sa Halalan, detalyadong dokumentasyon ng Chain of custody, at mga bagong idinisenyong security cart na gagamitin sa paglipat at pag-imbak ng mga kagamitan sa pagboto sa labas ay ilang halimbawa kung paano siguruhin at protektahan ng Tagapagrehistro ng mga Botante ang mga ari-arian na kagamitan sa pagboto habang nasa labas. Ang mga pasilidad ay protektado din at ang ROV lamang ang may akses sa silid o lugar kung nasaan ang sentro ng pagboto/kagamitan. Kung hindi posible, nagbibigay sila ng isang protektadong aparador o iba pang lokasyon kung saan maaaring maimbak ang mga kagamitan.

Sa karagdagang impormasyon sa Plano sa Pangangasiwa ng Halalan sa mga Pampigil na Hakbang ng Tagapgrehistro ng mga Botante (tingnan ang Apenise N).

Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ba ay mayroong nakasulat na mga pamamaraan para sa krisis sa seguridad at pagkagambala sa pagboto?

Oo. Ang County ng Santa Clara ay mayroong Tanggapan ng Mga Serbisyong Pang-emerhensiya na gumagabay sa mga Departamento sa kaligtasan at kamalayan ng empleyado at publiko. Ang mga tauhan sa halalan na nagbibigay ng mga serbisyo sa mga Sentro ng Pagboto ng County ay sinanay din para sa paghahanda sa emerhensiya at pagkawala ng kuryente sa panahon ng pagboto.

Sa karagdagang impormasyon sa Plano sa Pangangasiwa ng Halalan sa mga Di-inaasahang pangyayari ng Tagapagrehistro ng mga Botante (tingnan ang Apendise O).

Mga Madalas Itanong tungkol sa seguridad at akses sa datos na pinapanatili ng Tagapagrehistro ng mga Botante

Paano pinoprotektahan ng County ng Santa Clara ang aking impormasyon bilang botante laban sa mga cyber-attack?

Sa nakalipas na mga taon, nagsagawa ang County ng Santa Clara ng pag-aaral ng mga hakbang sa seguridad para sa lahat ng system nito, kabilang ang pagsusuri sa mga potensyal na banta at kahinaan, paghahanap ng mga puwang sa seguridad, at pagsusuri kung paano pinapayagan ang pag-akses. Ang pag-aaral ay batay sa pinakabagong mga kontrol sa seguridad at pagka pribado na ibinigay ng National Institute of Standards and Technology (NIST).

Pagkatapos ng proyektong ito, ang County ay nag-upgrade sa mga firewall at server, pinahusay ang mga kontrol sa system, at pinabuti ang edukasyon ng tauhan at kamalayan kung paano susubaybayan at mag-ulat sa hindi awtorisadong pag-akses at kahina-hinalang aktibidad. Gamit ang Advanced Encryption Standards (AES) na pinagtibay ng NIST, nililimitahan ang pag-akses sa datos para sa parehong mga tauhan at mga aprubadong aplikante, nangangailangan ng dalawang-salik sa pagpapatunay at nakagawiang mga pagbabago sa password, at pagsasagawa ng nakagawiang pag-backup ng database upang maprotektahan laban at maiwasan ang pagkawala ng data ay ilan sa mahahalagang hakbang na ginagawa ng County.

Matuto ng higit pa tungkol sa inilagay na pamantayan sa seguridad para sa nilalaman na datos ng sistema ng pamamahala ng halalan (EMS)

Ibinabahagi ba ang aking impormasyon sa pagpaparehistro ng botante sa pagitan ng Tagapagrehistro ng mga Botante (ROV) at ng Kalihim ng Estado?

Oo, ang pagpaparehistro ng botante ay dapat ibahagi sa pagitan ng mga opisyal ng halalan ng county at estado upang mapanatili ang pinakabagong datos. Sa ilalim ng pederal na batas, ang bawat estado ay dapat magkaroon ng pang-buong estadong database ng pagpaparehistro ng botante na nagpapanatili ng kumpletong listahan ng mga karapat-dapat na botante. Ang database ng California, na tinatawag na VoteCal, ay ginagamit ng mga opisyal ng halalan ng county upang mapatunayan at maisapanahon ang data ng botante at maghanap ng mga dobleng tala.

Ang sistema ng pamamahala ng halalan (EMS) ng bawat county ay dapat na makapagpadala at makatanggap ng impormasyon mula sa VoteCal. Sa ilalim ng pederal na batas, ang mga opisyal ng halalan ay dapat magbigay ng teknolohikal na seguridad na pumipigil sa hindi awtorisadong pag-akses sa kanilang mga sistema ng halalan habang ginagamit, pag hindi ginagamit at kapag nagbabahagi ng datos. Ang paggamit ng pinakamababang Advanced Encryption Standards (AES) na nilikha ng National Institute of Standards and Technology (NIST) ay ang pamantayan ng proteksyon.

Ibinabahagi ba ang aking impormasyon sa pagpaparehistro bilang botante sa pagitan ng Tagapagrehistro ng mga Botante at ng Departamento ng Mga Sasakyang De-motor?

Hindi, HINDI direktang ibinabahagi ng Tagapagrehistro ng mga Botante (ROV) at Departmento ng mga Sasakyang De-motor (DMV) ang impormasyon sa pagpaparehistro ng botante. Ang datos ay ibinibigay ng DMV sa Kalihim ng Estado, na pagkatapos ay nagpapadala ng datos sa pamamagitan ng VoteCal sa ROV.

Bisitahin ang website ng Dibisyon ng Halalan ng Kalihim ng Estado ng California sa higit pang impormasyon sa VoteCal.

Sino ang may akses sa aking impormasyon sa pagpaparehistro bilang botante?

Sa ilalim ng batas ng California, lahat ng impormasyon sa pagpaparehistro ng botante ay kumpidensyal at hindi maaaring makuha sa pangkalahatang publiko.

Ang batas ng California ay nagpapahintulot sa ilang indibidwal at grupo na ma-akses ang mga talaan ng mga botante, kung natutugunan nila ang ilang partikular na pamantayan at kung idineklara nilang gagamitin lang nila ang datos para sa mga legal na layunin. Ang mga aplikante ay maaaring mga kandidatong tumatakbo para sa elektibong katungkulan o kanilang kampanya, mga kampanya ng komite sa panukala sa balota, mga grupo ng partidong pampulitika, mga miyembro ng Lehislatura ng Estado at Kongreso, at mga katulad nito. Dapat tukuyin sa aplikasyon kung paano gagamitin ang impormasyon ng botante. Pinakamahalaga, ang iyong lagda o ang iyong numero ng pagkakakilanlan ng estado (lisensya sa pagmamaneho o numero ng seguridad sosyal) ay hindi maibibigay. Labag sa batas ang pagpapadala ng mga impormasyon sa pagpaparehistro ng botante sa labas ng Estados Unidos.

Ang mga botante na may sitwasyong may banta sa kanilang buhay ay maaaring maging kuwalipikado sa ilalim ng Programa na Safe at Home ng Kalihim ng Estado upang gawing ganap na kumpidensyal at hindi magagamit ang kanilang impormasyon sa pagpaparehistro ng botante kahit na sa ibang maaaring kwalipikadong maka-akses sa iba pang impormasyon ng botante.

Mangyaring basahin ang aming Pahayag sa Pagkapribado ng Botante para sa karagdagang impormasyon sa pag-akses sa kumpidensyal na datos ng pagpaparehistro ng botante.

Anong mga klaseng indibidwal o grupo ang maaaring magkaroon ng akses sa impormasyon sa pagpaparehistro ng botante?

Sa ilalim ng Kodigo ng Halalan ng California Seksyon 2184 at Seksyon 2194 , ang mga aprubadong aplikante ay maaaring alinman sa mga sumusunod:

  • Mga miyembro ng Lehislatura ng Estado
  • Mga miyembro ng Kongreso
  • Sinumang kandidato o miyembro ng kanilang kampanya na iboboto sa County ng Santa Clara, kabilang ang mga tumatakbo para sa isang pederal, estado, lehislatibo ng estado, county, lunsod, paaralan o espesyal na distritong elektibong katungkulan sa loob ng mga hangganan ng County ng Santa Clara
  • Isang komite ng kampanya na sumusuporta sa o laban sa isang panukala sa balota na kwalipikado na ilagay sa balota
  • Isang komite ng kampanya na sumusuporta sa o laban sa anumang iminungkahing panukala sa balota, pagkatapos lamang maisagawa ang isang legal na paunawa tungkol sa iminungkahing panukala
  • Sinumang tao na nagnanais na gamitin ang impormasyon para sa halalan, pang-edukasyon, peryodista, pampulitika o mga layuning pampamahalaan, gaya ng tinukoy ng Kalihim ng Estado.

Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay nagbibigay din ng kopya ng mga listahan ng pagpaparehistro ng mga botante sa mga opisyal ng halalan ng lunsod sa county at sa mga tagapangulo ng lokal na komite ng sentral na partidong pampulitika [sa primaryang halalan lamang].

Ano ang MAAARING paggamitan ng aking impormasyon sa pagpaparehistro ng botante?

Sa ilalim ng Kodigo sa Halalan at Kodigo ng mga Regulasyon ng California, ang impormasyon sa pagpaparehistro ng botante ay maaaring gamitin para sa mga layunin ng halalan, pang-edukasyon, peryodista, pampulitika o pampamahalaan, gaya ng tinukoy ng Kalihim ng Estado. Tingnan ang Seksyon 2194 ng Kodigo ng mga Halaln ng California at Kabanata 1, Dibisyon 7, Titolo 2 ng Kodigo ng mga Regulasyon ng California na makikita sa website ng Kalihim ng Estado.

Sa ilalim ng Seksyon 19003 ng Kodigo ng mga Regulasyon na may kaugnayan sa pagpaparehistro ng botante, kasama sa “pinahihintulutang paggamit” ng impormasyon sa pagpaparehistro ng botante ang:

  • Pakikipag-ugnayan sa mga botante kaugnay ng anumang halalan, kabilang ngunit hindi limitado sa: mga pinakokoreo na nangangampanya para o laban sa sinumang kandidato o panukala sa balota sa anumang halalan; mga sulat na nauugnay sa sirkulasyon o suporta ng, o paglaban sa anumang pagpapaalis sa katungkulan, inisyatiba, o petisyon sa referendum; at mga pinakokoreo ng o sa ngalan ng anumang partidong pampulitika - ang nilalaman ay dapat na nakatuon sa mga balita at opinyon ng mga kandidato, halalan, pagpapa-unlad ng partidong pampulitika at mga kaugnay nito.
  • Pagpapadala ng mga newsletter o bulletin ng sinumang nahalal na pampublikong opisyal, partidong pampulitika o kandidato para sa pampublikong katungkulan.
  • Pagsasagawa ng anumang survey ng mga botante kaugnay ng anumang kampanya sa halalan, o ng alinmang ahensya ng gobyerno, partidong pampulitika, nahalal na opisyal o kandidatong pampulitika para sa halalan o mga layunin ng pamahalaan.
  • Pagsasagawa ng audit ng mga listahan ng pagpaparehistro ng botante para sa layunin ng pagtukoy ng pandaraya sa pagpaparehistro ng botante.
  • Paghingi ng mga kontribusyon o serbisyo bilang bahagi ng anumang kampanya sa halalan sa ngalan ng sinumang kandidato para sa pampublikong katungkulan o anumang partidong pampulitika o bilang suporta o paglaban sa anumang panukala sa balota.
  • Anumang opisyal na paggamit ng alinmang lokal, estado, o pederal na ahensya ng pamahalaan.

Ano ang HINDI magagamit ng aking impormasyon sa pagpaparehistro bilang botante?

Sa ilalim ng Kodigo sa Halalan at Kodigo ng mga Regulasyon ng California, ang impormasyon sa pagpaparehistro ng botante ay maaaring gamitin para sa mga layunin ng halalan, pang-edukasyon, peryodista, pampulitika o pampamahalaan, gaya ng tinukoy ng Kalihim ng Estado. Tingnan ang Seksyon 2194 ng Kodigo ng mga Halalan ng California at Kabanata 1, Dibisyon 7, Titolo 2 ng Kodigo ng mga Regulasyon ng California na makikita sa website ng Kalihim ng Estado.

Ang impormasyon sa pagpaparehistro ng mga botante ay hindi maaaring gamitin para sa anumang personal, pribado, o komersyal na layunin, kabilang ang mga sumusunod na paggamit:

  • Upang mang-abala ng sinumang botante o miyembro ng sambahayan ng botante
  • Pahayag, pangangalap o pagbebenta ng anumang mga produkto o serbisyo
  • Anumang komunikasyon o iba pa sa paggamit ng kabuuan o bahagya para sa komersyal na layunin
  • Para sa paghingi ng kontribusyon o mga serbisyo para sa anumang layunin maliban sa ngalan ng isang kandidato o partidong pampulitika sa pagsuporta o paglaban sa isang panukala sa balota
  • Para sa pagsasagawa ng survey ng opinyon ng mga botante, maliban sa kaugnay na kampanya sa halalan, o ng alinmang ahensya ng gobyerno, partido politikal, halal na opisyal o kandidatong pampulitika para sa halalan o layunin ng pamahalaan   
  • Hindi maaaring kopyahin na naka print o i-broadcast sa anumang visual o audio na paraan o karaniwang magagamit na makikita sa anumang terminal sa computer

Maaari ba na ang isang awtorisadong tumanggap ng impormasyon sa pagpaparehistro ng botante na ibahagi ito sa ibang tao?

Hindi. Bawat aprubadong aplikante ay dapat sumang-ayon na huwag ibenta, paupahan, ipautang o ihatid ang kanilang kopya ng impormasyon sa pagpaparehistro o gumawa ng isa pang kopya para ihatid sa sinumang tao, organisasyon o ahensya. 

Ang sinumang nagnanais na gawin ito ay dapat tumanggap ng nakasulat na awtorisasyon mula sa Tagapagrehistro ng mga Botante ng County o opisyal ng halalan kung saan natanggap nila ito, o mula sa Kalihim ng Estado, kung natanggap mula sa estado. (Tingnan ang Kabanata 1, Dibisyon 7, Titolo 2 ng Kodigo ng mga Regulasyon ng California na makikita sa website ng Kalihim ng Estado.)

Mayroon bang anumang mga parusa para sa maling paggamit ng impormasyon sa pagpaparehistro ng botante?

Oo. Ginagawa ng Seksyon 18109  ng Kodigo ng mga Halalan ng California na isang krimen sa misdemeanor para sa sinumang tao na alam o sinadyang gumamit o pahintulutan ang paggamit ng lahat o bahagi ng impormasyon sa pagpaparehistro ng botante na nasa kanila para sa anumang bagay kaysa sa ipinahiwatig nila sa kanilang aplikasyon o para sa anumang paggamit na hindi pinahihintulutan ng batas. Ito rin ay isang misdemeanor para sa sinuman na alam at sinadyang kumuha ng impormasyon sa pagpaparehistro ng botante nang hindi muna nakatanggap ng pag-apruba sa pamamagitan ng pagsusumite ng aplikasyon para sa pag-akses.

Sa ilalim ng Seksyon 19003 ng Titulo 2, Dibisyon 7, Kabanata 1 ng Kodigo ng Mga Regulasyon ng California, bawat tao, na direkta o hindi direktang nakakakuha ng impormasyon sa pagpaparehistro, ay mananagot ng $0.50 para sa bawat talaan ng pagpaparehistro na ginamit ng tao sa hindi awtorisadong paraan. Nangangahulugan ito na ang isang awtorisadong tao na gumagamit ng impormasyon sa pagpaparehistro ng botante para sa hindi awtorisadong mga layunin ay maaaring pagmultahin, at sinumang tao na hindi awtorisadong makakuha ng akses sa o gumamit ng impormasyon sa pagpaparehistro ng botante at ginawa nito, ay maaari ding pagmultahin.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-akses sa kumpidensyal na impormasyon ng botante mangyaring tingnan ang aming Pahayag sa Pagkapribado ng Botante. Ang Kalihim ng Estado ay may mga regulasyon tungkol sa pag-akses sa datos ng pagpaparehistro ng botante, kabilang ang mga pinahihintulutan at hindi pinahihintulutang paggamit, at mga parusa para sa paglabag sa batas. Mangyaring sumangguni sa Kabanata 1 at 2, ng Dibisyon 7, sa Titulo 2 ng Kodigo sa Pampangasiwaan ng California.

Ang mga paglabag sa Kodigo ng mga Halalan ng California ay maaaring direktang iulat sa Kalihim ng Estado. Bisitahin ang Vote Sure para sa karagdagang impormasyon at pagkatapos ay magpadala ng email sa: [email protected]. Maaari ka ring tumawag sa (916) 657-2166 o (800) 345-VOTE (8683) o Spanish: (800) 232-VOTA (8682) para mag-ulat ng krimen.

Paano inaprubahan o tinatanggihan ng Tagapagrehistro ng mga Botante (ROV) ang mga aplikasyon?

Dapat kumpletuhin ng lahat ng humihiling ang isang aplikasyon, magbigay ng pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan, ID ng estado, mga detalye kung sino sila o kinakatawan nila, kung anong uri ng datos ang kanilang hinahanap, para saan nila nilalayong gamitin ang datos, at kung sino ang partikular na gagamit ng datos kung hinihiling ito ng aplikante para sa ibang gagamit. Sinanay ang mga kawani na hanapin ang "Limang W" (who, what, where, when and why) at humingi ng karagdagang mga detalye kung kinakailangan para sa pagbibigay ng pag-apruba o pagtanggi.

Nagsasanay din ang ROV sa pagbibigay lamang ng kaunting mga punto ng datos na kinakailangan upang matugunan ang mga pangangailangan ng end user. Halimbawa, ang paghahanda ng datos na partikular na nauugnay sa paligsahan ng isang kandidato sa halip na maglabas ng datos para sa buong County, kahit na humihiling ng akses ang kandidato.

Paano ibinabahagi ng Tagapagrehistro ng mga Botante (ROV) ang impormasyon ng botante sa mga aprubadong aplikante?

Bilang pinakamahusay na kasanayan, ang datos ay ibinabahagi lamang sa pamamagitan ng mga protektadong paraan na nagbibigay-daan sa ROV na paghigpitan ang pag-akses. Halimbawa, maaaring ibigay ang datos sa pamamagitan ng paggamit ng mga naka-encrypt na drive, protektado na File Transfer Protocols (FTP), o paggamit ng protektado na serbisyo sa pagbabahagi ng file na may itinakda na paghihigpit. Pagkatapos ng masusing pagsusuri sa aplikasyon, ang mga awtorisadong gumamit ay dapat na makapagbigay ng mga natatanging kredensyal na ibinigay ng ROV upang makakuha ng akses.

Ang mga naaprubahang aplikante ay binibigyan ng dokumentasyon mula sa Opisina ng Seguridad ng Impormasyon ng County tungkol sa kamalayan sa seguridad at kung paano protektahan ang datos habang nasa kanila, tulad ng pagprotekta sa datos ng botante sa pamamagitan ng pag-secure at pagla-lock ng mga kagamitan at upang maiwasan ang pagiging bukas nito sa publiko online o offline.

Ano ang mangyayari kung may paglabag sa seguridad habang ang datos ng pagpaparehistro ng mga botante ay hawak ng isang aprubadong aplikante? 

Sinumang nakatanggap ng impormasyon sa pagpaparehistro ng mga botante ay kinakailangan, matapos matuklasan o makatanggap ng abiso ukol sa paglabag sa seguridad sa tipunan ng impormasyon, agad at walang pagkaantalang iulat ang paglabag sa seguridad sa Kalihim ng Estado.

Maaari bang makita ng mga naaprubahang aplikante kung paano ako bumoto? 

Hindi. Inaatasan ng batas ng California na ang pagboto ay pribado, at kahit ang mga opisyal ng halalan ay hindi maaring sabihin kung paano ka bumoto. Ang impormasyon at data tungkol sa kung paano ka bumoto para sa mga kandidato at mga panukala sa balota ay hindi konektado sa iyong talaan ng pagpaparehistro bilang botante. 

Ang mga naaprubahang aplikante ay maaaring humiling ng kasaysayan ng pagboto. Ang data na ito ay nagpapakita lamang ng petsa ng halalan at ang petsa at paraan ng pagboto sa iyong balota - kung bumoto ka sa pamamagitan ng koreo o kung bumoto ka nang personal. Halimbawa, ang data ay maaaring ipakita na bumoto ka sa primaryang halalan ng Hunyo sa pamamagitan ng koreo at pinili mong bumoto nang personal sa pangkalahatang halalan noong Nobyembre 2018.

Pinahihintulot ba ng online self-serve portal ng Tagapagrehistro ng mga Botante (ROV) na mahanap ng sinuman ang aking address sa County? 

Hindi. Bagaman maaaring ma-akses ang ilang impormasyon sa pagpaparehistro gamit ang tool sa Voter Registration Lookup, hindi ipinapakita ng program ang anumang pangalan. Maglalagay ang user ng street address at petsa ng kapanganakan at ang resulta ay kukumpirmahin lamang na mayroong tao na nakarehistro upang bumoto sa ibinigay na impormasyon. Hindi ipinapakita ng sistema ang mga pangalan ng botante, mga numero ng telepono, mga email address o iba pang impormasyon para makontak.

Maaari bang baguhin o tanggalin ng sinuman ang mga tala sa pagpaparehistro ng botante sa pamamagitan ng online self-serve portal? 

Hindi. Ang online self-serve portal ay hindi direktang nakakonekta sa database ng pagpaparehistro ng botante. Pinapayagan lamang ng portal ang isang user na kunin ang mga datos na nilikha mula sa sistema at nakapirmi sa oras. Ang online portal ay hindi konektado sa live na datos at hindi tumatanggap o nag-iimbak ng datos.

Gaano ka-protektado ang mga bagong Elektronikong Libro ng Pagboto (E-poll books)? 

Ang mga elektronikong libro ng pagboto ay dapat nasubok at aprubahan ng Kalihim ng Estado ng California (SOS) bago ito magamit sa anumang halalan. May mga regulasyon ang SOS na dapat sundin ng mga vendor ng elektronikong libro ng pagboto at mga opisyal ng halalan sa county, kabilang ang pagpapanatili ng tuloy-tuloy na chain-of-custody para sa bawat libro ng pagboto at pagkakaroon ng isang pang emerhensiyang plano na naglalarawan ng mga hakbang na dapat sundin kung magkaroon ng pagkaantala. 

Ang listahan sa ibaba ay naglalarawan ng ilan sa mga mahalagang katangian ng disenyo ng mga elektronikong libro ng pagboto:

  • Hindi maaaring kumonekta sa isang sistema ng pagboto anumang oras
  • Dapat magkaroon ng reserbang kuryente ng hindi bababa sa dalawang oras
  • Magtabi ng listahan ng mga botante bilang backup
  • Payagan ang mga tauhan sa halalan na madaling matiyak na ito ay gumagana nang tama, upang kwalipikahin ang mga botante at makita na sila ay bumoto, at na ito ay naka-shut down nang tama
  • Dapat na maayos na ma-encrypt at mailipat ang lahat ng impormasyong nabuo ng sistema pabalik sa sistema sa pamamahala ng halalan (EMS) ng pagpaprehistro ng botante ng county kapag inisyu ang isang balota, kabilang ang petsa at oras
  • I-encrypt ang lahat ng datos gamit ang hindi bababa sa 256-bit ng Advanced Encryption Standard (AES) na pag-encrypt ng datos
  • Gumawa ng isang nakasulat na pagsusuri ng lahat ng aksyon ng sistema na madaling basahin ng tao
  • I-reformat pagkatapos ng bawat halalan upang walang datos ng botante ang manatili sa kagamitan, maliban kung kinakailangan para sa isang muling pagbibilang o iba pang legal na layunin
  • Bago ibenta o tanggalin, ang lahat ng kagamitan ay nililinis upang walang matirang software, firmware, o datos ng botante, at ang kagamitan ay hindi na gumagana

Para sa karagdagang impormasyon o upang basahin ang kumpletong Regulasyon ng elektronikong libro ng halalan ng Estado, piliin ang link na Helpful Resources na matatagpuan sa Dibisyon ng Halalan ng Kalihim ng Estado.

Paano kinukumpirma ang mga listahan ng pagpaparehistro ng botante? Nabalitaan ko na maaaring may mga taong bumoboto sa ilalim ng pangalan ng isang taong pumanaw na? 

Ang mga talaan ng pagpaparehistro ng botante ay pinananatili sa pamamagitan ng mahigpit na mga pamamaraan na itinatag ng Kalihim ng Estado. Ang impormasyong ibinibigay sa isang form ng pagpaparehistro ng botante ay pinagpalitan at kinumpirma ng Kalihim ng Estado gamit ang impormasyon sa pagkakakilanlan na ibinigay ng botante (pangalan, petsa ng kapanganakan, lisensya sa pagmamaneho o huling 4 na numero ng seguridad sosyal, at anumang ibang historikal na impormasyon ng botante na makikita sa sistema sa pamamagitan ng paghahanap sa mga dobleng tala).

Ang Kalihim ng Estado ay tumatanggap ng impormasyon mula sa Kagawaran ng Sasakyang De-motor, Kagawaran ng Correction ng Estado at Kagawarang Pangkalusugan ng Estado upang kumpirmahin at mapanatili ang impormasyon sa pagpaparehistro ng mga botante sa Estado ng California. Ang opisyal ng halalan ng county (Tagapagrehistro ng mga Botante) ay tumatanggap ng impormasyon mula sa Kagawarang Pangkalusugan ng Estado ukol sa mga pagpanaw na naganap sa loob ng county at sa mga Hukumang Superyor ng County tungkol sa mga pagkakasalang pelony at mga conservatorship upang kanselahin ang tala ng mga botante na hindi na karapat-dapat bumoto. 

Ang Kabanata 3 ng Dibisyon 2 ng Kodigo ng mga Halalan ng California ay nagbibigay ng higit pang impormasyon kung paano pinapanatili at potensyal na kinansela ang mga pagpaparehistro.

Ang mga pangalan, address, at lagda sa mga petisyon ay bukas ba sa publiko? 

Hindi. Ang Seksyon 6253.5 ng Kodigo ng Pamahalaan ng California ay nagpoprotekta sa impormasyon ng mga botante sa mga petisyon mula sa pagiging pampublikong tala. Ang impormasyon ay maaaring ipagkaloob lamang sa mga tagapagtaguyod ng petisyon, o sa mga taong namamahala sa petisyon, kung ang petisyon ay hindi makapasa.

Mga Madalas Itanong tungkol sa pag-test ng sistema ng pagboto at mga hakbang sa seguridad

Saan ako makahanap ng higit pang impormasyon kung paano na-test at inaprubahan ang mga sistema ng pagboto para sa paggamit sa California? 

Para sa pangkalahatang impormasyon tungkol sa mga sistema ng pagboto sa California, bisitahin ang Office of Voting Systems Technology Assessment (OVSTA) ng Kalihim ng Estado. Dito maaari kang pumili ng mga link kung paano na-test at inaaprubahan, o sinertipikahan ang mga sistema, at ang mga batas at pamantayan na dapat sundin. 

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa proseso ng sertipikasyon na ginagamit para sa mga sistema ng pagboto sa California

Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa bawat vendor ng California at kagamitan, maaari mong bisitahin ang pahina ng OVSTA sa Voting Technology Vendors. Piliin ang link para sa Dominion Voting Systems upang basahin ang tungkol sa bagong sistema ng County, at sa Tenex upang basahin ang tungkol sa mga bagong elektronikong libro ng pagboto.

Anong mga sistema ng halalan ang kinakailangan na maaprubahan bago ito magamit sa California? 

Ang parehong batas ng pederal at estado ay iniaatas na ang mga sistema ng pagboto ay masusing na-test at naaprubahan bago ito magamit upang bumoto sa balota at bilangin ang mga boto sa anumang halalan. Nangangailangan din ang California ng pag-testing at pag-apruba ng mga sistema sa pagmarka ng balota, mga sistema sa pag-print ng balota, at mga elektronikong libro ng pagboto bago ito magamit. Makikita ang mga kinakailangan sa Dibisyon 19 ng Kodigo ng mga Halalan ng California at sa Kabanata 6.1 ng Dibisyon 7, sa ilalim ng Titulo 2 ng Kodigo ng mga Regulasyon ng California.

Na test ba ng aking opisyal ng halalan ng county ang kagamitan sa pagboto upang matiyak na ito ay gumagana bago ako bumoto? 

Oo. Mahigpit ang mga Batas sa Halalan ng California pagdating sa mga sistema ng pagboto. Ang mga Opisyal ng Halalan AT mga vendor sa sistema ng pagboto ay dapat sumunod sa mga pamamaraan ng pag-testing sa parehong oras na ito ay unang naihatid sa county, at tuwing ito ay ginagamit. Halimbawa, ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay dapat magtago ng katunayan ng chain of custody mula sa unang pag-testing at pagsubok at bawat oras na ito ay aalisin sa lugar ng taguan, kinakailangan na isagawa ang parehong pre- at post-election na pag-testing ng bawat kagamitan bago at pagkatapos itong gamitin, at patunayan sa Kalihim ng Estado na ang mga sistema ay tumpak at maayos na gumagana. 

Narito ang mga karagdagang pangunahing bagay na dapat gawin ng Tagapagrehistro ng mga Botante kapag bumibili at gumagamit ng teknolohiya sa pagboto:

  • Magsagawa ng kumpletong pag-test ng buong sistema pagkatapos ng paghahatid mula sa vendor hanggang sa county
  • Magsagawa ng serye ng mga pag-test (na kilala rin bilang "pre-election logic and accuracy testing" at/o "Pre-LAT") sa lahat ng kagamitan at software sa pagboto bago ang bawat halalan upang kumpirmahin na ang bawat kagamitang ginamit sa pagbibilang ng balota at pagtala ng mga boto ay gumagana ng tama
  • Kumpirmahin sa Kalihim ng Estado na ang software na ginamit sa halalan ay gumagana nang tama at pareho sa software na naihatid ng Kalihim ng Estado
  • Sumunod sa inaprubahang pamamaraan ng Kalihim ng Estado para sa pagsasaayos, paghahatid, at pagprotekta ng sistema sa bawat halalan, kasama ang "air-gapping" at paglalagay pareho ng permanente at natatanggal na mga tamper-evident na selyong panseguridad sa lahat ng mga kagamitan na sinusuri sa kabuuang panahon ng halalan
  • Pigilan ang koneksyon sa internet sa lahat ng mga kagamitan at pigilan ang mga kagamitan na makatanggap o magpadala ng datos sa pagboto sa anumang klaseng panlabas na sistema ng computer
  • Kontrolin at subaybayan ang sentral na sistema ng tabulasyon sa pamamagitan ng paglimita sa pag-akses sa mga kredensyal sa pag-login at pagsubaybay sa pisikal na pag-akses sa mga nakakonektang kagamitan
  • Gumamit ng natatanging mga kredensyal sa pag-login para sa pag-print ng ballot on demand at voter card activation para sa parehong mga user sa tanggapan ng halalan at bawat tauhan sa botohan na gumagamit ng mga kagamitang iyon sa sentro ng pagboto
  • Gumamit ng multifactor authentication ng isang pin number at pisikal na key fob para sa pagpapatakbo ng kagamitan sa pagboto sa mga sentro ng pagboto, kabilang ang mga madaling magamit na kagamitan na touchscreen sa pagmarka ng balota at mga tabulation scanner ng balota
  • Sundin ang Uniform Vote Counting Standards na ginagamit ng Kalihim ng Estado at ginagamit sa buong California.

Ano ang "air-gapping" na mga sistema ng pagboto at bakit ito mahalaga? 

Sa pangkalahatan, ang air gap ay isang pisikal na paghihiwalay, pagbubukod, o pagdiskonekta mula sa kahit anong iba pang kagamitan o network, kasama ang internet, at nangangailangan ng pisikal na paglipat ng datos sa pamamagitan ng ilang panlabas, kontrolado ng tao na manwal na pamamaraan. Kadalasang ginagamit ng mga sistema ng halalan ang air gaps para pigilan o kontrolin kung sino ang may akses sa sistema. 

Sa mga Pamamaraan ng Paggamit ng California, kinakailangang gumawa ng opisyal ng halalan ng backup ng database ng halalan mula sa orihinal na installation server papunta sa write-once media, tulad ng CD-R o DVD-R, at pisikal na dalhin ito sa pangalawang server, at i-install ang kopya ng database ng halalan sa backup server na ito. Pagkatapos ito, ang orihinal na permanenteng database ay hindi na maaaring gamitin para sa natitirang bahagi ng halalan. Ang prosesong ito ay pisikal na naghihiwalay sa dalawang database ng computer, na gumagawa ng air gap at tumutulong upang protektahan laban sa pagpasok at pagkalat ng mga virus sa orihinal na database.

Maaari bang ipakita ng bagong sistema ng pagboto ang hindi pangkaraniwang aktibidad o ipakita ang mga kahina-hinalang pagtatangkang panghihimasok o "hacking"? 

Oo. Ang mga sistema ng pagboto sa California ay nangangailangan ng parehong pisikal na ebidensya ng panghihimasok at malinaw at kumpletong kakayahan sa pag-audit. Ang bawat naaangkop o kahina-hinalang kilos ay itinatala para sa pagsusuri, kabilang ang pagsubaybay ng mga panlabas na tamper-evident na selyo at mga panloob na audit trail. 

Ang iba pang mga proteksyon at pagtuklas ay kinabibilangan ng:

  • Ang pag-akses sa mga katangian sa pagpapatakbo, tulad ng araw araw na mga proseso ng pagbubukas at pagsasara ng mga tauhan ng halalan, ay nangangailangan ng hindi bababa sa dalawang-hakbang na paraan ng pagpapatunay
  • Ang bawat aksyon na isinagawa sa tabulator at sa Sistema sa Pamamahala ng Halalan (EMS) ay naitala sa permanente at di-mapapalitang digital audit na talaan
  • Lahat ng tabulator ay dapat may tamper-evident na selyong panseguridad na inilagay sa bawat punto ng pag-akses na sinisiyasat ng mga tauhan sa halalan bawat araw
  • Ang mga makina sa pagbibilang ng balota ay hindi tatanggapin ang anumang balota na hindi nakakatugon sa opisyal na pamantayan, kabilang ang bigat ng papel, kapal, at mga natatanging code ng balota na nagpapakita ng opisyal na klase ng balota na tinatanggap ng tabulator
  • Ang bawat digital na imahe ng balota ay may dagdag na impormasyon sa ibaba, na nagpapakita ng talaan kung paano ang interpretasyon ng makina sa balota, upang magawa ang mas mahusay na pagproseso ng mga balota na maaring matukoy ng mata ng tao
  • Laging napapanatili ng sistema ang orihinal na layunin ng botante na nagpapahintulot sa mga tagasuri na makita kung paano minarkahan ang balota, kung paano ang interpretasyon ng makina at kung paano ito inayos, kung kinakailangan

Paano pinapanatiling protektado ang sistema ng pagboto habang nakatabi ito sa mga sentro ng pagboto sa magdamag?

Sa pagbabago tungo sa Voter’s Choice Act noong 2020 na nagtatalaga ng maraming araw ng pagboto sa mahigit 100 iba't ibang lokasyon ng pagboto, ang seguridad ng kagamitan at datos sa larangan ay mga pangunahing salik sa tiwala ng botante sa isang protektadong halalan.

Gumagamit ang ROV ng mga protektadong cart upang ilipat at itabi ang mga mahahalagang aytem sa sentro ng pagboto tulad ng mga makina sa pagboto, mga kagamitan sa pagmarka ng balota, mga kard sa pag-aktiba ng balota, mga elektronikong libro ng pagboto, mga hindi nagamit na balota at mga lalagyan ng balota. Lahat ng kagamitan ay may parehong permanente at natatanggal na mga tamper-evident na selyong panseguridad upang protektahan ang mga espesipikong tampok sa bawat makina ng pagboto, kard sa pag-aktiba, at printer ng ballot on demand at kailangan itong suriin ng mga opisyal ng halalan bago buksan at isara ang mga botohan, at sa oras sa buong araw. Kasama sa pagsasanay ng mga opisyal ng halalan ang kung paano matukoy at iulat ang kahina-hinalang panghihimasok sa anumang bahagi ng sistema ng halalan, at kung ang kagamitan sa pagboto ay nakompromiso, kung paano agad alisin ang kagamitan sa pagboto mula sa paggamit.

Anong pang mga pagbabago na mayroon ang mas bagong teknolohiya sa pagboto? 

Mula nang unang ginamit ang lumang sistema ng County noong 2003, ang mga pagsulong sa teknolohiya at mga bagong batas ay nagpabuti sa paraan ng ating pagboto. Noong 2019, naglabas ang Kalihim ng Estado ng bagong kinakailangan na mas bago at protektado na mga sistema ng pagboto na gamitin sa California simula 2020.

Ngayon, ang mga sistema ng pagboto sa California ay: 

  • Sertipikado mula sa pederal na Election Assistance Commission’s Voluntary Voting Systems Standards, na nagtatampok ng pinakamataas na mga prinsipyo ng seguridad habang pinapanatili ang pagiging bukas, kabilang ang parehong mga tampok na simetriko at asimetriko na pag-encrypt
  • Gumagamit ng pandalawahan at natatanggal na gawang komersyal na memory card, upang makagawa ng karagdagang mga kaparehong kopya ng lahat ng datos ng halalan ay kailangang mapanatili
  • Kayang magkaroon ng dual-installation, o pwede sa paggamit ng isa o higit pang permanenteng server(s) at set ng mga kagamitan sa pagboto sa central-office na kilala na nagpapatakbo ng hindi nabago, sertipikadong software at firmware upang lumikha ng mga memory card bago ang bawat halalan, at upang gumamit ng isa pang pisikal na hiwalay na "sacrificial" na server at set ng mga kagamitan sa pagboto pagkatapos ng halalan upang bilangin ang mga resulta at gumawa ng mga ulat.
  • Ang mga sistema ay protektado gamit ang mga hakbang na "air-gapping", upang matiyak na walang cross-connections. Tingnan ang tanong sa itaas, Ano ang air-gapping at bakit ito mahalaga?
  • Paggamit ng mga papel na balota na maaaring suriin ng botante bago ito bilangin ng system
  • Paggamit ng komersyal na magagamit na proteksyon laban sa virus at malware, na dapat patuloy na pinanatili at maaari lamang i-update sa pamamagitan ng ligtas at aprubadong portable media (mga disk, flash drive, at external hard drives ang mga halimbawa)
  • Bawal na ikonekta sa Internet. Ang Seksyon 19205 ng Kodigo ng mga Halalan na California ay iniaatas na walang bahagi ng isang sistema ng pagboto ang maaaring kumonekta sa internet anumang oras, at hindi rin dapat tumanggap o magpadala ng data ang anumang sistema ng pagboto sa pamamagitan ng panlabas na network sa anumang uri.

Paano ipinapadala ang mga resulta ng halalan mula sa mga binotohang balota sa bawat Sentro ng Pagboto papunta sa ROV? 

Ang mga resulta ng halalan mula sa bawat Sentro ng Pagboto ay pisikal na dinadala pabalik sa ROV. Ang mga naaalis na memory devices na naglalaman ng mga resulta mula sa bawat scanner/tabulator ng balota ay dadalhin sa sentrong lokasyon kung saan maaaring kunin at i-upload ang data sa Sistema sa Pamamahala ng Halalan (EMS) para sa pag-uulat. Hindi bababa sa dalawang Tauhan ng Halalan ang magdodokumento ng chain of custody at ligtas na transportasyon ng mga balota at kagamitan pabalik sa pangunahing lokasyon ng ROV sa Berger Drive, kasama ang petsa at oras mula sa bawat Sentro ng Pagboto patungo sa Tagapagrehistro ng mga Botante.

Paano inilalagay ang mga resulta ng halalan sa website ng ROV? 

Ang Aplikasyon ng Pag-uulat sa Gabi ng Halalan ng ROV, o ENRA, na nakikita mo sa Internet ay hiwalay mula sa bagong sistema ng pagboto ng County. Ang mga tauhan ng halalan ay dapat pisikal na ilipat ang data ng boto mula sa sistema ng pagboto patungo sa aplikasyon ng pag-uulat ng resulta ng halalan para ipakita sa Internet. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkopya ng mga resulta ng halalan mula sa sentral na sistema ng akumulasyon papunta sa isang CD o USB drive at dinadala ito sa ibang computer upang i-upload sa website ng Tagapagrehistro ng mga Botante. Ang proseso na ito ay lumikha ng isang "air gap" sa pagitan ng sistema ng pagbibilang at akumulasyon ng boto at ng aplikasyon ng pag-uulat ng boto. Ang layer ng seguridad na ito ay naglilimita sa mga resulta na ipinapakita sa Internet sa mga pinaka-kamakailang na-upload lamang mula sa memory device. Lahat ng memory device ay ginagamit lamang ng isang beses sa panahon ng halalan, nililinis at nire-reformat bago ito muling magamit.

Nakakonekta ba ang sistema ng pagboto sa pahina ng mga resulta ng halalan ng ROV? 

Ang sistema ng pagboto ng County ay hindi konektado sa aplikasyong nag-uulat ng mga resulta ng halalan at hindi rin ito konektado sa Internet. Sa ilalim ng parehong batas ng estado at pederal, walang bahagi ng isang sistema ng pagboto ang maaaring kumonekta sa Internet o sa anumang iba pang kagamitan na direktang konektado sa Internet. Kasama dito ang bahagi ng sistema na nag-iipon at nag-uulat ng mga resulta.

Nakakonekta ba ang elektronikong libro ng pagboto sa sistema ng pagboto? 

Hindi.

Ano ang Malayuang Madaling Magamit na Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo? Akala ko hindi tayo makakaboto sa Internet. 

Tama iyon, maging ang batas ng estado o nang pederal na batas ay hindi nagpapahintulot sa pagboto sa pamamagitan ng Internet. Sa katunayan, mahigpit ang batas ng California kung aling impormasyon ng halalan ang nasa Internet o maaaring ipadala o matanggap nang elektroniko. Lalo na ng ating mga boto!

Ang isang Malayuang Madaling Magamit na Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo, o RAVBM, ang sistema ay ginagamit para sa layunin lamang ng pagmamarka ng isang digital na kopya ng vote by mail na balota, na pagkatapos ay i-print sa papel, ilagay sa isang selyadong sobre, at ibabalik sa opisyal ng halalan. Ang mga sistema ng RAVBM ay hindi maaaring ikonekta sa isang system ng pagboto at ang mga botante ay hindi maaaring magtala ng kanilang balota gamit ang system.

Ang RAVBM ay magagamit para sa mga rehistradong botante na may kapansanan na nagnanais bumoto nang pribado sa bahay gamit ang kanilang sariling mga pantulong na kagamitan at para sa mga botante na na nasa malayo kaya't hindi nila matanggap ang kanilang balota sa Pagboto sa pamamagitan ng Koreo sa takdang oras upang bumoto at maibalik ito sa pamamagitan ng koreo. Ang mga botante na gumagamit ng sistema ng RAVBM ay dapat na kayang i-print ang kanilang balota at maibalik ito sa opisyal ng halalan upang ma-verify at maiproseso kasama ng lahat ng iba pang mga balota sa Pagboto sa pamamagitan ng Koreo. 

Ang sistema ba ng Malayuang Madaling Magamit na Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (RAVBM) ay nasertipikahan para magamit sa California? 

Oo, lahat ng sistema ng RAVBM na ginagamit sa California ay kinakailangang dumaan sa masusing pagsusuri at proseso ng sertipikasyon ng Kalihim ng Estado. Bawat aprubadong sistema ay dapat:

  • Gamitin lamang ang mga display, mga marka at paggamit sa pagprint
  • Payagan lamang ang isang botante na markahan at i-print ang isang balota upang maiwasan ang dobleng pagboto
  • Huwag ikonekta sa system ng pagboto
  • Huwag gamitin upang bumoto o bilangin ang mga boto
  • Huwag mag-imbak o subaybayan ang anumang mga boto
  • Huwag magkaroon ng kakayahang tumanggap ng mga transmisyon mula sa computer ng botante o internet upang markahan ang mga pinili ng botante

Para sa karagdagang detalye sa sertipikasyon ng mga sistema ng RAVBM, tingnan ang Kabanata 3.5 ng Dibisyon 19 ng Kodigo ng mga Halaln ng California.

Protektado ba ang mga opisyal na drop-box ng balota para sa Pagboto sa pamamagitan ng Koreo? 

Oo. Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay dapat gumamit ng mga drop-box ng balota na protektado, naka-kandado, at gawa sa matibay na materyales upang labanan ang bandalismo, ang hindi awtorisadong pag-alis, at upang pigilin ang natural na pinsala sa mga balota ng dahil sa masamang panahon. Ang mga drop-box ng balota ay dapat ding magpakita ng pisikal na ebidensya na nagkaroon ng hindi awtorisadong pag-akses, tulad ng paggamit ng mga tamper-evident na selyo na inilagay sa mga protektadong access point.

Ang Kalihim ng Estado ng California ay naglabas ng mga regulasyon na nagtatakda ng disenyo, gamit, at seguridad ng mga drop box ng balota. Ang mga regulasyon ay matatagpuan sa Seksyon 20130 – 20138 ng Kodigo ng mga Regulasyon ng California.

Magkakaroon ba ng mga tauhan sa mga lokasyon ng drop-off ng Balota ng Pagboto sa pamamagitan ng Koreo? 

Hindi. Tingnan ang tanong sa itaas para sa isang link sa mga regulasyon ng California tungkol sa mga drop-box ng balota, kabilang ang seguridad.

Paano dadalhin pabalik sa Tagapagrehistro ng mga botante ang mga binotohang balota? 

Naglabas ang Kalihim ng Estado ng California ng mga regulasyon na nag-uutos sa pisikal na seguridad, dokumentasyon ng chain of custody, at kinakailangan ang bilang ng mga itinalagang tagakuha ng balota na batayan ng opisyal ng halalan ng county ang disenyo ng kanilang mga sariling pamamaraan. Matatagpuan ang mga regulasyon sa Mga Seksyon 20137 at 20140 – 20144 ng Kodigo ng mga Reguslasyon ng California.

Magtatalaga ang ROV ng mga sinanay na opisyal na tagakuha ng balota upang ibalik ang mga binotohang balota mula sa lahat ng mga Lokasyon ng Drop-off ng Balota (BDL) sa isang protektadong lalagyan patungo sa sentrong lokasyon ng ROV. Ang mga lalagyan ay dapat selyado ng mga tamper-evident na mga selyo bago ang transportasyon at dapat may kalakip na dokumentasyon ng chain-of-custody para sa lahat ng mga nakuhang balota, kasama ang petsa at oras ng pag-alis mula sa BDL at pagdating sa ROV.

Gaano kadalas mangolekta ang Tagapagrehistro ng mga Botante sa mga Balota ng Pagboto sa pamamagitan ng Koreo? 

Ipinag-uutos ng batas ng estado na lumikha ang mga opisyal ng halalan ng regular na iskedyul ng pagkuha ng mga balota mula sa mga opisyal na drop-box ng balota. Sa panahon na malalaki, pambuong-county na halalan, plano ng Tagapagrehistro ng mga Botante na kolektahin ang mga binotong balota simula 25 araw bago ang Araw ng Halalan. Ang mga balota ay kokolektahin tatlong araw sa bawat linggo, tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes. Sa loob ng sampung (10) araw bago ang Araw ng Halalan, plano ng Tagapagrehistro ng mga Botante na kolektahin ang mga binotong balota araw-araw.

Paano ko malalaman kung kailan kinolekta ang aking balota mula sa drop box ng balota at dinala sa Tagapagrehistro ng mga Botante? 

Maaari mong suriin kung pinoproseso na ng ROV ang iyong binotohang balota sa pamamagitan ng paggamit ng self-serve online na portal. Mula sa homepage ng ROV, i-klik ang link na tinatawag na Vote by Mail Ballot Tracking, na matatagpuan sa ilalim ng Mga Popular na Serbisyo

Maaari ka ring mag-sign up para sa serbisyong notipikasyon ng Kalihim ng Estado sa WheresMyBallot.sos.ca.gov upang makakuha ng awtomatikong email, SMS (text), o voice call na notipikasyon tungkol sa iyong balota.

Mga Madalas Itanong tungkol sa pagboto at pagtukoy sa mga resulta ng halalan

Bakit hindi nagsusuri ng ID ang mga opisyal ng halalan?

Sa ilalim ng batas ng halalan sa California, ang ID ay ibinibigay sa oras ng pagpaparehistro ng indibidwal upang bumoto. Sa ilalim ng batas pederal, ang ID ay kinakailangan para sa mga unang beses na boboto na magpapatala ng kanilang unang balota sa isang pederal na halalan. Bukod sa mga kinakailangan sa pagkakakilanlan at kapag ang botante ay bumoto na sa unang pagkakataon at nakumpirma na, hindi na kailangang magbigay ng ID sa ilalim ng batas ng halalan sa California. Ang mga botanteng pumunta ng personal upang bumoto ay dapat maihayag ang kanilang pangalan at address gaya ng nakalista sa mga talaan ng pagpaparehistro ng botante at makikita sa pollbook na naglalaman ng listahan ng mga botante.

Ano ang canvass, o pag-canvass ng mga boto? 

Ang canvass ay isang termino na ginagamit upang ilarawan ang mga araw pagkatapos ng isang halalan kung saan isinasagawa ang mga mahalaga at detalyadong hakbang tungo sa pinal na sertipikasyon ng mga resulta ng halalan. Mayroong dalawang importanteng panahon ang canvass, ang semifinal official canvass at ang opisyal na canvass.  

Ang semifinal na opisyal na canvass, ay opisyal na nagsisimula sa 8:00 pm sa Gabi ng Halalan, sa pamamagitan ng pag-tabulate ng mga Balota ng Pagboto sa pamamagitan ng Koreo at mga balota mula sa presinto, at nagpapatuloy hanggang ang lahat ng mga presinto ay nabilang, at pagsasama-sama at paglalabas ng semifinal official na mga resulta.

Ang opisyal na canvass ay dapat magsimula nang hindi lalampas sa Huwebes pagkatapos ng halalan at magpapatuloy araw-araw (maliban sa mga katapusan ng linggo kung nais) hanggang sa makumpleto. Ang Seksyon 335.5 ng Kodigo ng mga Halalan ng California ay tumutukoy sa opisyal na pagbilang na, “ang pampublikong proseso ng pagproseso at pagbilang ng lahat ng balota na natanggap sa isang halalan, kabilang, ngunit hindi limitado sa, mga pansamantalang balota at mga balota sa pamamagitan ng koreo na hindi kasama sa semifinal na opisyal na canvass. Ang opisyal na canvass ay kinabibilangan din ng proseso ng pag-aayos ng mga balota, pagsisikap na pagbawalan ang dobleng pagboto sa balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo at mga pansamantalang botante, at ang pagsasagawa ng manual na pag-tally ng 1 porsyento ng lahat ng presinto.”

Ang Tagapagrehistro ng mga Botante (ROV) ay mayroong Manual sa Pamamaraan sa Canvass na naglalarawan ng proseso ng pagbilang nang detalyado na makikita sa aming website sa ilalim ng, “Paano Binibilang ang Iyong Boto.”

Bakit natatagalan na isapinal ang mga resulta ng halalan at ideklara ang mga nanalo? 

Itinatag ng batas sa halalan ng California ang isang pinakamahabang panahon na 30 araw upang makumpleto ang opisyal na canvass. Ang panahong ito ay nagbibigay-daan sa lahat ng 58 county na magkaroon ng parehong legal na oras upang kumpletuhin ang bawat hakbang. Maaaring tapusin ng mga opisyal ng halalan ang canvass nang mas maaga ngunit kailangan nilang sumunod sa legal na pinakamahabang na oras. Kapag mataas ang bilang ng bumotong mga botante, ang pinakamalalaking county sa California ay malamang na magtrabaho araw-araw ng 30-araw na panahon ng canvass, kabilang ang Sabado at Linggo, upang matugunan ang legal na takdang panahon.

Ang mga hakbang na kasama sa opisyal na canvass ay: 

Ayon sa Seksyon 15302 ng Kodigo ng mga Halalan ng California,

  • Isang inspeksyon ng lahat ng materyales at suplay na ibinalik ng mga tauhansa botohan
  • Isang pagtugma sa bilang ng mga pirma sa roster kumpara sa bilang ng mga balota na naitala, o ibinoto at ipinakita, sa pahayag sa balota
  • Isang pagtugma ng bilang ng mga balotang binilang, nasira, kinansela, o hindi wasto dahil sa mga nakikilalang marka, overvote, sa bilang ng mga boto na naitala, kasama ang boto sa pamamagitan ng koreo at mga pansamantalang balota, ayon sa sistema ng pagbibilang ng boto
  • Pagpoproseso at pagbibilang ng anumang balidong mga balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo at mga pansamantalang balota na hindi kasama sa semifinal na opisyal na canvass
  • Pagbibilang ng anumang balidong isinusulat lamang na boto
  • Pagkopya ng anumang nasirang balota, kung kinakailangan
  • Pag-uulat ng mga pinal na mga resulta sa bawat namamahalang lupon na nagsasagawa ng halalan, at sa Kalihim ng Estado, kung kinakailangan. Kasama sa pag-uulat ng mga resulta ang pagpapatunay ng mga resulta ng halalan at paggawa ng detalyadong ulat ng mga nabilang na boto, na tinatawag na “Pahayag ng mga Boto” o katulad nito.

Bilang karagdagan, ang opisyal na canvass ay kinabibilangan ng: 

  • Pagsira (pagsira) ng anumang hindi nagamit na balota (Kodigo ng mga Halalan Seksyon 14403 - 14404)
  • Pagsasagawa ng manual na pag-tally ng mga balota na natabulate ng sistema ng pagboto sa hindi bababa sa 1% ng mga presinto, na randon na napili (Kodigo ng mga Halalan Seksyon 36.5, 15360), at
  • Pag-iimbak at pag-preserba ng lahat ng opisyal na materya ng halalan sa ilalim ng Dibisyon 17 ng Kodigo ng mga Halalan

Ang batas ng estado ay hindi naglilimita sa isang county na magsagawa ng karagdagang hakbang upang tiyakin ang mga resulta ng halalan bago ang sertipikasyon. Halimbawa, sa County ng Santa Clara, ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay kinakailangang magsagawa ng Patakaran sa Awtomatikong Muling Pagbibilang ng County ng Santa Clara, kung kinakailangan.

Paano mo mapipigilan ang isang tao na bumoto ng dalawang beses? 

Lahat ng mga botante sa County ng Santa Clara ay pinapadalhan ng Balota ng Pagboto sa pamamagitan ng Koreo. Sa panahong ito, ang kanilang talaan ng pagpaparehistro bilang botante ay minamarkahan. Ang isang botante na nawala o nasira ang kanilang paunang balota at humiling ng pamalit na balota ay kakanselahin ang unang ibinigay na balota. Kapag naisumite na ng isang botante ang kanyang balota ng Pagboto sa pamamagitan ng Koreo o binigyan ng balota sa isang Sentro ng Pagboto, ang kanilang pangalan ay minamarkahan sa database bilang nakaboto na. Kung magtangka ang botante na bumoto muli ng isa pang balota sa pamamagitan ng koreo man o nang personal, ang sistema sa pamamahala ng halalan sa pangunahing opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante at naitala sa mga elektronikong libro ng pagboto na ginagamit sa mga sentro ng pagboto ng County ay pipigilan ang tauhan ng halalan na bigyan ang botante ng isa pang balota. 

Ang pagboto ng dalawang beses sa isang halalan ay labag sa batas at ang isang botante na gumagawa nito ay maaaring kasuhan.

Ano ang gagawin mo kung may bumoto ng dalawang beses? 

Pagkatapos ng masusing pagsisiyasat, kung ito ay nakumpirma na ang botante ay talagang bumoto ng dalawang beses sa pamamagitan ng pagboto ng higit sa isang balota, ang botante ay isasangguni sa Opisina ng Abogado ng Lunsod para sa karagdagang imbestigasyon at posibleng pagsasakdal.

 

Ang mga resulta ba ng halalan ay naberipikahan o nasuri bago ito maging pinal at ipahayag ang mga nanalo? 

Oo. Ito ay isang napakahalagang hakbang sa pag-canvass ng mga resulta ng halalan at kinakailangan ayon sa batas. Mangyaring tingnan ang tanong sa itaas, Bakit natatagalan na isapinal ang mga resulta ng halalan at ideklara ang mga nanalo? Maaari mo ring bisitahin ang aming pahina tungkol sa mga Muling Pagbibilang at Mga Madalas Itanong para sa karagdagang impormasyon sa iba't ibang uri ng proseso na ginagamit upang muling kalkulahin at beripikahin ang mga resulta ng halalan.

Ano ang 1% na manual na pagbibilang? 

Iniatas ng Kodigo ng mga Halalan ng California Seksyon 15360, ito ang proseso ng pagsasagawa ng manual na pag-tally ng mga naitalang boto sa hindi bababa sa 1% ng mga presinto ng pagboto na itinatag para sa halalang iyon, at kabilang ang mga dagdag na presinto ng pagboto upang ang bawat labanan sa halalan ay mabilang ng hindi bababa sa isang beses. 

Mangyaring bisitahin ang aming pahina tungkol sa mga Muling Pagbibilang at Mga Madalas Itanong para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iba't ibang uri ng mga proseso ng muling pagbibilang.

Ano ang pagkakaiba ng mandato na Awtomatikong Muling Pagbibilang ng County at hiniling na muling pagbibilang ng isang botante? 

Ang mandatong Patakaran sa Awtomatikong Muling Pagbibilang ng County ay isinasagawa ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa panahon ng opisyal na canvass, kasabay ng mandato ng estado na 1% na manu-mano na muling pagbibilang at bago pa man makumpleto at masertipikahan ang mga resulta ng halalan. Ang muling pagbibilang na hinihiling ng isang botante ay isusumite pagkatapos makumpleto at masertipikahan ang mga resulta ng halalan. Ang muling pagbibilang na hinihiling ng isang botante ay binabayaran, nang buo, ng tao o mga tao na humiling ng muling pagbibilang. Bawat araw na deposito ang kakailanganin upang magsimula o magpatuloy ang muling pagbibilang na hinihiling ng botante. 

Mangyaring bisitahin ang aming pahina sa mga Muling Pagbibilang at Mga Madalas Itanong para sa karagdagang impormasyon sa iba't ibang uri ng proseso ng muling pagbibilang. 

Ano ang pagkakaiba ng hindi opisyal at opisyal na resulta, at alin ang pinal na resulta? 

Ang hindi opisyal ay nangangahulugang hindi pa natapos ang pag-verify ng lahat ng hakbang ng canvass, ang opisyal ay pinal, ang opisyal ay na-certify.

Ano ang pagkakaiba ng mga resulta ng halalan sa iyong website at mga sertipikadong resulta ng halalan na nakalimbag sa Pahayag ng mga Boto? 

Ang mga resulta na ipinapakita sa website ng Tagapagrehistro ng mga Botante ay naglalaman lamang ng kabuuang bilang ng mga naitalang boto sa halalan at sa bawat labanan, at hindi naglalaman ng pag iisa-isa ng mga resulta batay sa paraan ng pagboto (Pagboto sa pamamagitan ng Koreo o nang personal sa isang Sentro ng Pagboto) o presinto. Ang Pahayag ng Boto (SOV) ay naglalaman ng kumpletong mga resulta ng halalan, na nagpapakita ng pag iisa-isa ng bawat labanan sa balota para sa bawat kandidato at panukala sa balota at nagpapakita ng mga resulta ng ibinoto sa pamamagitan ng koreo at nang personal at representasyon ng numero ng presinto sa kapitbahayan.