Primaryang Halalan
Batas sa Bukas na Primarya para sa Nangunang Dalawang Kandidato
Tatlong Uri ng Kandidatong Katungkulan
Mga Iminumungkahi-Ng-Partido na Katungkulan
Ang Presidente at mga Komite Sentral ng County ay mga Iminumungkahi-Ng-Partido na Katungkulan. Ang mga botante ay maaaring lamang bumoto para sa mga kandidato ng parehong kwalipikadong partidong pampulitika (maliban kung pinapayagan ng mga partido ang mga botanteng Di-partidista na mag cross-over at sumali sa kanilang primarya). Para sa Presidente, ang kandidatong pinili sa buong bansa ng bawat partido ay inilalagay sa balota ng pangkalahatang halalan. Para sa mga Komite Sentral ng County, ang mga kandidato na nakatanggap ng pinakamaraming boto sa primarya ay ang panalo.
Mga Iminumungkahi-Ng-Botante na Katungkulan
Gobernador | Ingat-yaman | Senador ng Estados Unidos |
Tenyente Gobernador | Abugado Heneral | Kinatawan ng Estados Unidos |
Kalihim ng Estado | Komisyonado ng Seguro | Senador ng Estado |
Kontroler | Lupon ng Pagpapantay ng Estado | Kinatawan ng Estado |
Sa ilalim ng Batas sa Bukas na Primarya para sa Nangunang Dalawang Kandidato, ang lahat ng mga kandidato na tumatakbo para sa mga Iminumungkahi-Ng-Botante na Katungkulan anuman ang kanilang kinakatigang partido, ay makikita sa isang pinagsamang balota at ang mga botante ay maaaring bumoto ng sinumang kandidato mula sa alinmang partidong pampulitika.
Ang Batas sa Bukas na Primarya para sa Nangunang Dalawang Kandidato ay nag-aatas na ang dalawang kandidato lamang para sa mga Iminumungkahi-Ng-Botante na Katungkulan na nakakuha ng pinakamataas at pangalawang pinakamataas na bilang ng mga boto sa primaryang halalan ang makikita sa balota bilang mga kandidato sa kasunod na pangkalahatang halalan.
Mga Katungkulang Di-Partidista
Kabilang sa mga Katungkulang Di-Partidista ang Superintendente ng Pampublikong Pagtuturo pati na rin ang Katungkulang Panghukuman, mga Katungkulan sa County, Lunsod ng San Jose, at Lupon ng Edukasyon ng County ng San Benito. Ang kinakatigang partidong pampulitika ng isang kandidato ay hindi nakalista sa balota at ang mga botante ay maaaring bumoto ng sinumang kandidato. Sa karamihan ng boto ng mga labanan (hindi bababa sa 50% +1), ang mga kandidato na nakakuha ng karamihan ng mga boto sa primarya ay ang panalo. Kung hindi, ang nangungunang dalawang kandidato na nakakakuha ng pinakamaraming boto sa primarya ang magpapatuloy sa pangkalahatang halalan.
Mga Madalas Itanong sa Primaryang Halalan ng California
Ano ang Kasalukuyang Sistema o Modelo sa Primaryang Halalan ng California?
Ang sistema sa primaryang halalan ng California ay nagbago nang maraming beses sa huling ilang dekada - mula sa closed primary hanggang sa open primary, sa pagbago ng kasalukuyang sistema ng primarya ng California na madalas na tinatawag na "Nangunang Dalawa sa Primarya."
Isinasaad, ang Nangunang Dalawa sa Primarya ay nagpapahintulot sa dalawang kandidato na nakakuha ng pinakamaraming boto sa labanan sa primaryang halalan na sila ang kandidato, anuman ang partidong pampulitika, at magpapatuloy sa balota ng pangkalahatang halalan sa Nobyembre. Sila ang "nangunang dalawa" na nakakuha ng boto na pinili ng mga botante na nakatira sa distritong iyon. Ang mga katungkulan sa ilalim ng Nangunang Dalawa sa Primarya ay konstitusyonal sa lahat ng estado (Gobernador, Kontroler, Kalihim ng Estado, atbp.) at mga katungkulan ng lehislatura ng estado (Senado at Asembleya ng Estado), bilang karagdagan sa mga katungkulan ng Kinatawan ng Estados Unidos sa Kongreso at Senado ng Estados Unidos.
Ang pinakabagong pamamaraang ito ay inaprubahan ng mga botante sa halalan noong Hunyo 8, 2010 (Proposisyon 14) at unang ginamit noong Hunyo 2012 upang maghalal ng mga kinatawan ng estado at pederal ng California. Sa taong iyon, ang California ay nagsagawa ng dalawang primaryang halalan - ang una ay ginanap noong Pebrero para sa mga botante na pumili ng mga partidistang kandidato na tumatakbo para sa pagka Presidente at komite sentral ng partidong pampulitika, at ang isa ay ginanap noong Hunyo para sa mga botante na pumili ng mga partidistang kandidato na naghahangad ng mga katungkulan sa estado at pederal na pinili sa sistema ng Nangunang Dalawa na Primarya.
Pinapahintulutan din ng primarya ng California ang mga partidong pampulitika na pagtibayin ang mga patakaran bago ang pampresidenteng primaryang halalan upang payagan ang mga botanteng Walang Pinapanigang Partido (mga hindi nakarehistro sa isang kwalipikadong partidong pampulitika) na mag-cross-over at bumoto ng isang partidistang balota para sa mga katungkulang Pampresidente at komite sentral ng county. Kung nakarehistro ka sa isang kwalipikadong partidong pampulitika, maaari ka lamang bumoto para sa mga partidistang kandidato na tumatakbo para sa katungkulang Pampresidente at komite sentral ng county mula sa partido kung saan ka nakarehistro.
Sa Primaryang Halalan ng Estado ng California para sa Pagka Gobernador, Anong Klaseng Balota ang Aking Matatanggap?
Sa ilalim ng sistema ng primaryang halalan ng California, ang mga botante ay makakatanggap ng isang balota na nakalista ang lahat ng mga kwalipikadong kandidato para sa mga katungkulan kung saan sila karapat-dapat na bumoto batay sa kung saan sila nakatira, kasama ang Gobernador at iba pang mga katungkulang konstitusyonal at pambatasan ng estado, anuman ang kinaanibang partidong pampulitika.
Ano ang "NPP" na Botante?
Walang Kinakatigang Partido – tinatawag din na di-partidista. Dating tinawag na independiyenteng di-partidista, at tumanggi na magpahayag. Kasama rin dito ang lahat na nakarehistro upang bumoto sa isang partidong pampulitika na hindi pa kwalipikado para sa balota sa California. Upang makita ang isang listahan ng mga kwalipikadong partidong pampulitika, o ang mga nais maging kwalipikado para sa balota sa California, bisitahin ang website ng Kalihim ng Estado at hanapin ang impormasyon tungkol sa Mga Partidong Pampulitika na nakalista sa ilalim ng tab na "Pagpaparehistro para Bumoto."
Sa Pampresidenteng Primaryang Halalan, Anong Klaseng Balota ang Aking Matatanggap kung Ako ay Nakarehistro sa Isang Kwalipikadong Partido?
Sa pampresidenteng primarya, ikaw ay bibigyan ng balota ng iyong partido, kabilang ang mga kandidato ng iyong partido para sa mga katungkulang Pampresidente at komite sentral ng county, kung mayroon man. Ang iyong balota ay maglalaman din ng mga pangalan ng mga kandidato para sa partidistang katungkulan ng estado (Senado o Asembleya ng Estado), mga pederal na katungkulang partidista (Senado at Kongreso ng Estados Unidos), mga katungkulang di-partidista (tulad ng mga lokal na kandidato para sa Hukom ng Hukumang Superyor, Lupon ng mga Superbisor, Konseho ng Lunsod) at mga proposisyon ng estado at mga lokal na panukala kung saan karapat-dapat kang bumoto batay sa kung saan ka nakatira.
Sa Isang Pampresidenteng Primaryang Halalan, Anong mga Labanan sa Balota Mayroon ang Botante ng NPP?
Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay nagpapadala sa lahat ng mga botante ng NPP ng isang postkard bago ang pampresidenteng pimaryang halalan, pinapaalam sa botante ng mga partidong pampulitika na pinapayagan silang mag-cross over at bumoto ng Presidente sa kanilang primaryang halalan, at pinapayagan na piliin na makatanggap ng balota mula sa alinman sa mga partidong iyon. Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay magpapadala ng balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo nang partidong pampulitika na iyong pinili, simula 29 na araw bago ang halalan.
Ang desisyong ito na payagan ang mga botante ng NPP na bumoto sa primarya ng partidong pampulitika ay ginawa ng partidong pampulitika 138 araw bago ang primarya. Kung pinapayagan, ang botante ay makakatanggap ng balota na naglalaman ng (mga) kandidato ng partidong pampulitika na Pampresidente, na karagdagan sa mga katungkulan na nakalista sa ibaba.
Kung hindi ka tumugon sa postkard, magpapadala ang ROV ng balota ng NPP na naglalaman ng mga pangalan ng mga kandidato para sa katungkulang partidista ng estado (lahat ng pang estadong katungkulan, Senado, at Asembleya), katungkulang partidista ng pederal (Senado at Kongreso ng Estados Unidos), mga katungkulang di-partidista (tulad ng mga lokal na kandidato para sa Hukom ng Hukumang Superyor, Lupon ng mga Superbisor, Konseho ng Lunsod) at mga proposisyon ng estado at mga lokal na panukala kung saan karapat-dapat kang bumoto batay sa kung saan ka nakatira.
Ano Ang Maaari Kong Gawin Kung Nais Kong Bumoto Sa Pampresidenteng Primaryang Halalan Ng Ibang Partido, Pero Hindi Ako Pinapayagan?
Kailangan mong magparehistro para bumoto sa partikular na partidong pampulitika na iyon. Ang deadline upang magparehistro para bumoto at i-update ang iyong partidong pampulitika sa California ay 15-araw bago ang halalan. Maaari kang magparehistro para bumoto online o magsumite ng isang papel na Form ng Pagpaparehistro ng Botante sa Tagapagrehistro ng mga Botante.
Pagkalipas ng 15-araw na deadline upang magparehistro para bumoto, maaari mong baguhin ang iyong kinaaaniban na partidong pampulitika at makakuha ng isang bagong balota sa pamamagitan ng pagsusumite ng isang Form ng Paghiling ng Aksyon ng Botante. Maaari mong gawin ito sa alinmang Sentro ng Pagboto sa County ng Santa Clara o sa pamamagitan ng pagpunta sa Tagapagrehistro ng mga Botante. Sa ilalim ng modelo ng primaryang halalan ng California, ang mga balota na partikular sa partidong pampulitika ay ginagamit lamang sa pampresidenteng primaryang halalan para sa mga katungkulang Pampresidente at Komite Sentral ng Partido.
Maaari Bang Humiling Ang Isang NPP Na Botante Ng Higit sa Isang Partido Na Balota Para Bumoto?
Hindi. Sa ilalim ng batas, ang mga botante ay maaari lamang bumoto ng isang balota sa bawat halalan.
Maaari Bang Humiling Ang Isang NPP Na Botante Ng Ibang Balota Ng Pagboto Sa Pamamagitan Ng Koreo Kapag Natanggap Na Nila Ang Kanilang Balota?
Oo, kailangang isauli o ibalik ng botante ang hindi binotohan o sirang balota bago humiling ang botante ng pamalit na balota o isa sa ibang partido.
Saan Ako Makakakuha Ng Karagdagang Impormasyon Tungkol Sa Kasaysayan Ng Sistema Ng Primaryang Halalan Ng California?
Opisina ng Kalihim ng Estado
Telepono:
View California Secretary of State site