Katotohanan sa Halalan
Edukasyonal na mga Flyer
Kasinungalingan at Katotohanan tungkol sa Halalan
Katotohanan: Maaaring gumamit ng sharpie, asul, at itim na tinta.
Kasinungalingan tungkol sa Halalan:
Ang mga sharpie ay tumatagos sa kabila na makakaapekto kung paano binibilang ang mga balota.
Katotohanan tungkol sa Halalan:
Ang sharpie, asul, at itim na tinta ang piniling gamiting paraan para sa pagmamarka ng iyong balota sa County ng Santa Clara. Ang pagtagos sa kabila ay hindi nakakaapekto sa kung paano binibilang ang mga balota. Mangyaring huwag gumamit ng lapis at iba pang mga may kulay na tinta; May mga pamamaraang ginawa upang maayos ang mga balota na hindi tamang namarkahan.
Katotohanan: Ang mga butas sa mga sobre para sa Pagboto sa pamamagitan ng Koreo ay nagsisilbing mga gabay na tumutulong sa mga botanteng may mga espesyal na pangangailangan na makalagda nang tama.
Kasinungalingan tungkol sa Halalan:
Ang mga butas sa paligid ng lugar ng lagda sa balota ay nagiging daan upang makita ang iyong mga boto.
Katotohanan tungkol sa Halalan:
Ang mga butas sa paligid ng lugar ng lagda ay nagsisilbing gabay upang matulungan ang mga botante na bulag o may mababang kaalaman na makapirma ng tama. Ang dalawang butas ay tumutulong sa mga bulag na botante na matukoy ang lokasyon kung saan pipirma at ang tamang kaayusan ng sobre. Ang isa ay tagusan sa sobre, ang isa ay sa harap o likod. Ang butas sa sobre ng pagbabalik ay nagbibigay-daan din sa mga manggagawa sa halalan na makita kung ang isang sobre ay naglalaman ng balota.
Pinagkunan:
Katotohanan: Hindi nakakonekta sa internet ang kagamitan sa pagbibilang.
Kasinungalingan tungkol sa Halalan:
Nakakonekta sa internet ang kagamitan sa pagbibilang.
Katotohanan tungkol sa Halalan:
Ang mga kagamitan sa pagbibilang ay hindi kailanman konektado sa internet, ni mayroong mga modem o hardware na maaaring "maisa-aktiba" remotely.
Dapat patunayan ng bawat county - bago ang bawat halalan - na ang sistema ng pagboto ay kapareho ng trusted build na ibinigay ng Kalihim ng Estado sa pamamagitan ng muling paglalagay ng trusted build o paggamit ng trusted build ng kalihim ng estado na cryptographic HASH (isang mahalagang digital fingerprint ng software at firmware) upang matiyak na tumutugma ito sa naaprubahang bersyon at hindi binago.
Para sa komprehensibong listahan tungkol sa mga pamantayan sa seguridad ng sistema ng pagboto sa California, mangyaring bumisita sa CCROV #22105.
Pinagkunan:
- Office of Voting System Technology Assessment, SOS
- 52 U.S. Code § 21081
- ELEC Article 3 Inspection of Certified and Conditionally Approved Voting Systems
- California Elections Rumor Control, SOS
Katotohanan: Ang Pagboto sa pamamagitan ng Koreo ay kapareho ng Pagboto ng Nagpapadala Lamang.
Kasinungalingan tungkol sa Halalan:
Ang pagboto sa pamamagitan ng koreo ay iba sa pagboto ng nagpapadala lamang.
Katotohanan tungkol sa Halalan:
Sa County ng Santa Clara, ang pagboto sa pamamagitan ng koreo at pagboto ng nagpapadala lamang ay nangangahulugan sa parehong bagay.