Mga FAQ sa pagboto sa pamamagitan ng koreo
Mabibilang ba ang aking boto?
Oo. Ang bawat balidong balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo ay mabibilang. Maaari mong subaybayan ang katayuan ng iyong ibinalik na balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo online.
Ito ba ay nakaseguro?
Oo. Ang pirma sa likod ng sobreng ibabalik ay inihahambig sa orihinal na lagda ng botante na nasa form ng pagpaparehistro upang matiyak na ang isang hindi awtorisadong tao ay hindi maaaring kumpletuhin at isauli ang balota ng isang botante.
Maaari ba akong gumamit ng Sharpie para markahan ang aking balota? Hindi ba ito tatagos at nagpapawalang- bisa ang balota?
Ang paggamit ng isang Sharpie na panulat upang markahan ang isang balota ay hindi nagpapawalang-bisa sa balota. Ang sistema ng pagboto ay nagbabasa ng tinta mula sa isang itim na marker tulad ng isang Sharpie nang mas mahusay at tinta ay mabilis na natutuyo kaysa sa iba pang mga tinta. Binabasa lamang ng scanner ng balota ang mga marka sa loob ng obalo sa mga target na lugar ng pagboto sa iyong balota. Ang mga obalo sa isang bahagi ng kard ng balota ay HINDI nakahanay sa mga obalo sa kabilang panig ng kard, kaya – kung tumagos man ang tinta – hindi ito babasahin ng scanner ng balota.
Dapat koba itong ipakoreo?
Hindi. Maaari mong ihatid ang iyong balota sa Opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante o ilagay ito sa 24 na oras na puting drop box na matatagpuan malapit sa flagpole. Maaari mo ring dalhin ang iyong balota sa alinmang Sentro ng Pagboto sa County ng Santa Clara sa Araw ng Halalan o sa alinmang tanggapan ng lunsod bago o sa Araw ng Halalan. Kumpletong listahan ng mga opisyal na site ng drop box ng balota
Kailangang bumoto bago ang araw ng halalan?
Ang pagboto ay maisasagawa ng mga rehistradong botante ng Santa Clara County sa Opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante simula Ika-29 na araw bago ang bawat halalan. Para sa higit pang kaalaman tungkol sa lokasyon ng sentro ng pagboto
Kailan ko matatanggap ang aking balota ng pagboto sa pamamagitan koreo?
Simula sa humigit kumulang 29 na araw bago ang isang halalan, ang Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng Santa Clara ay nagsisimulang ipadala sa koreo sa mga rehistradong botante na karapat dapat bumoto sa darating na halalan ang isang balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo. Hindi na kailangang gumawa ng isang kahilingan.
Kung kailangan mong bumoto bago mo matanggap ang iyong balota sa koreo, ang maagang pagboto ay magagawa sa Tagapagrehistro ng mga Botante simula 29 na araw bago ang bawat halalan at sa mga piling lokasyon ng Sentro ng Pagboto sa mga araw pagsapit ng Araw ng Halalan.
Ang listahan ng mga lokasyon ng pagboto at pagbabalik ng balota ay ibibigay kasama ang iyong balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo. Mahalagang repasuhin ang iyong mga tagubilin sa pagboto para sa bawat halalan, dahil sa ilang mga halalan, ang maagang pagboto ay maaari lamang magawa sa opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante.
Matuto nang higit pa tungkol sa mga lokasyon ng mga drop box ng balota at mga sentro ng pagboto
Papaano ko masusubaybayan ang aking balota at malalaman kung ito ay naibilang na?
Maaari mong subaybayan ang katayuan ng iyong ibinalik na balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo online sa pamamagitan ng online portal ng Tagapagrehistro ng mga Botante, sa pamamagitan ng pagpili ng Vote by Mail Ballot Tracking sa lugar ng aming home page sa ilalim ng mga Popular na mga Serbisyo.
Maaari ka ring mag sign up para sa mga serbisyo ng notipikasyon ng Kalihim ng Estado sa WheresMyBallot.sos.ca.gov upang makatanggap ng awtomatikong email, SMS (text), o mga voice notification call tungkol sa iyong balota.
Kung lilipat ako, ipapadala ba sa akin ng post office ang aking balota?
Hindi. Ang liham tungkol sa halalan ay hindi maipapasa [ayon sa batas]. Iyon ang dahilan kung bakit mahalaga na isapanahon ang iyong pagpaparehistro sa tuwing lumilipat ka. Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay tumatanggap ng datos ng National Change of Address (NCOA) at magpapadala sa iyo ng postcard na dapat mong sagutin at kumpirmahin ang iyong bagong direksyon ng tirahan. Kung hindi ka tumugon at kinumpirma ang iyong bagong direksyon ng tirahan, ang iyong pangalan ay maaaring ilagay sa aming mga "Hindi aktibo" na listahan at hindi ka na makakatanggap ng koreo tungkol sa halalan, kabilang ang iyong Patnubay sa Impormasyon ng Botante ng County, ang iyong Balota sa Pamamagitan ng Koreo, at iba pang mahahalagang abiso mula sa Tagapagrehistro ng mga Botante.
Kung lilipat ka sa loob ng mga linggo bago ang isang halalan, maaaring pinakamabuting punan ang isang Form ng Paghiling ng Aksyon ng Botante (VARF) sa amin, bilang karagdagan sa pagbabago ng iyong direksyon ng tirahan sa US Post Office, upang matiyak na ang iyong balota sa Pamamagitan ng Koreo ay ipapadala sa tamang lokasyon. Kung ikaw ay pansamantalang wala sa bahay, mangyaring tingnan ang susunod na tanong para sa kung paano ipaalam sa amin.
Kung pansamantala akong wala o lumisan sa tirahan, paano ko makukuha ang aking balota?
Kung mayroon kang plano o isang hindi inaasahang dahilan na malalayo ka sa iyong tirahan sa panahon ng isang halalan, maaari kang magbigay ng isang pansamantalang direksyong pangkoreo kung saan dapat naming ipadala sa pamamagitan ng koreo ang iyong balota. Kumpletuhin ang form ng aplikasyon sa pagboto sa pamamagitan ng koreo at magbigay ng pansamantalang direksyong pangkoreo kung saan mo gustong matanggap ang iyong balota.
Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay mayroon ding programa para sa emerhensiyang pagpapadala ng balota at nakikipagtulungan sa mga lokal na panandalian at pangmatagalang pansamantalang pasilidad sa tirahan, ospital, at bilangguan upang tulungan ang mga botante na makatanggap ng isang balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo habang sila ay naninirahan doon.
Ang lahat ng mga rehistradong botante ay maaaring gumamit ng Malayuang Madaling Magamit na Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (RAVBM) upang mag download ng kopya ng balota na maaaring i-print at ibalik sa pamamagitan ng koreo.
Paano makukuha ng isang taong nakatira sa panandalian o pangmatagalang residential care facility ang kanilang balota?
Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay may programa para sa emerhensiyang pagpapadala ng balota at nakikipagtulungan sa mga lokal na panandalian at pangmatagalang pansamantalang pasilidad sa tirahan, ospital, at bilangguan upang tulungan ang mga botante na makatanggap ng balota sa pamamagitan ng koreo habang sila ay naninirahan doon.
Bilang kahalili, ang botante ay maaaring kumpletuhin ang isang aplikasyon para sa isang pamalit na balota at pahintulutan ang isang taong higit sa 16 taong gulang na kumuha ng isang balota at maihatid sa kanila. Pagkatapos ay maaari ring pahintulutan ng botante ang isang tao na ibalik ang kanilang binotohang balota sa pamamagitan ng pagkumpleto ng impormasyon sa labas ng flap ng asul na sobre ng pagbabalik ng balota sa Pamamagitan ng Koreo. Ang sinumang awtorisadong magbalik ng isang binotohang balota ay may hanggang pitong (7) araw upang maibalik ito sa pamamagitan ng US Post Office, isang secure na drop box ng balota, o magagamit na sentro ng pagboto.
Ang anak ko ay nasa kolehiyo, paano maipapadala sa kanila ang kanilang balota sa pamamagitan ng koreo?
Kung hindi pa nila nailista ang kanilang direksyon ng tirahan sa kolehyo bilang kanilang tirahan pangkoreo sa kanilang talaan ng pagpaparehistro ng botante at hindi natanggap ang kanilang balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo, maaari silang humiling ng pamalit na balota. Dapat nilang kumpletuhin ang form ng aplikasyon ng pagboto sa pamamagitan ng koreo para sa pamalit na balota gamit ang kanilang tirahan sa kolehyo bilang kanilang tirahan pangkoreo. Bilang kahalili, maaari nilang pahintulutan ang isang tao na pumunta sa Tagapagrehistro ng mga Botante at kumuha ng pamalit na balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo sa kanilang ngalan.
Ang lahat ng mga rehistradong botante ay maaaring gumamit ng Malayuang Madaling Magamit na Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (RAVBM) upang mag download ng kopya ng balota na maaaring i-print at ibalik sa pamamagitan ng koreo.
Paano ko mapoprotektahan ang aking direksyong pangkoreo para sa pagboto sa pamamagitan ng koreo kung nasa panganib ang buhay ko?
Ang Kalihim ng Estado ay nagpapatakbo ng programang Safe At Home para sa mga botante na nangangailangan ng mga espesyal na serbisyo para sa pagiging kompidensyal ng diresyon ng tirahan. Ang isang natatanging direksyong pangkoreo na lokasyon ay ibibigay sa iyo kung saan maaari mong matanggap ang iyong balota nang kompidensiyal.
Maaari bang may kumuha at magbalik ng aking balota para sa akin?
Oo. Kung hindi mo natanggap sa koreo ang iyong balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo, maaari mong kumpletuhin ang isang aplikasyon para sa isang pamalit na balota at pahintulutan ang isang taong higit sa 16 taong gulang na kumuha ng isang balota para sa iyo.
Upang pahintulutan ang ibang tao na ibalik ang iyong binotohang balota para sa iyo, kumpletuhin lamang ang impormasyon sa labas ng flap sa iyong sobre ng pagbabalik ng balota sa Pamamagitan ng Koreo. Ang sinumang awtorisadong magbalik ng isang binotohang balota ay may hanggang pitong (7) araw upang maibalik ito sa pamamagitan ng US Post Office, isang secure na drop box ng balota, o magagamit na sentro ng pagboto.
Maari bang bumoto ang isang taong nakakulong sa bilangguan?
Posibleng,oo. Sa ilalim ng batas ng Halalan ng California, ang isang tao na nagsisisilbi ng kanyang takdang panahon ng parusa sa mabigat na pagkakasala sa isang bilangguan ng county o nahatulan ng parole ay maaaring mapanatili ang kanilang karapatang bumoto. Gayunpaman, ang mga taong nahatulan ng mabigat na pagkakasala na nagsisilbi ng takdang panahon ng parusa sa isang estado o pederal na bilangguan, o nagsisilbi ng estado o pederal na parusa habang nasa isang bilangguan o pasilidad ng county ay hindi mapapanatili ang karapatang bumoto hanggang sila ay palayain.
Ang Tagpagrehistro ng mga Botante ay may programa para sa emerhensiyang pagpapadala ng balota at nakikipagtulungan sa mga lokal na kulungan upang tulungan ang mga karapat-dapat na botante na makatanggap ng balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo habang sila ay naninirahan doon.
Mula sa taong 2021, ang mga taong pinalaya mula sa bilangguan ngunit nananatiling naka-parole para sa isang nahatulang pelony ay maaari din maibalik ang kanilang karapatang bumoto sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang bagong form ng pagpaparehistro ng botante.
Upang malaman kung ikaw o ang isang taong kilala mo na naapektuhan ng sistema ng hustisyang kriminal ay nangangailangang tingnan ang kanilang pagiging karapat-dapat na bumoto, bisitahin ang pahina na Restore Your Vote ng Kalihim ng Estado upang suriin ang katayuan.
Ano ang "ballot harvesting ng balota" at ilegal ba na ang isang tao ay magkolekta ng nabotohang balota sa maraming botante?
Ang harvesting ng balota ay tumutukoy sa mga indibidwal na nangongolekta, o "nag-haharvest" ng maraming nakumpletong balota ng mga botante, posibleng sinasamantala ang opsyon ng botante na pahintulutan ang isang indibidwal na ibalik ang kanilang binotohang balota para sa kanila. Bagama't ang gawaing ito ng pagkolekta at pagbabalik ng mga balota para sa maraming botante ay hindi ganap na ilegal, ang taong nangongolekta ng mga balota ay maaaring lumalabag sa isa o higit pang batas na nagpoprotekta sa proseso ng pagboto kung may anumang intensyon ang taong nangongolekta ng mga balota na gumawa ng isang kriminal na gawain.
Bagama't tila isang mabuting gawa ang pagkolekta at pagtulong sa maraming botante na isumite ang kanilang binotohang balota, at kadalasan ay gayon nga; subalit, ang harvesting ng balota ay maaaring malubhang makasira sa pagiging patas at tapat ng mga halalan. Ang aktibidad na ito ay maaaring magpaantala sa napapanahong pagbabalik at pagproseso ng mga balota, ang hawakan ang mga ito upang hindi maisama sa mga resulta sa Gabi ng Halalan; maaaring mailagay sa panganib na mapakialaman ang mga binotohang balota habang hindi ligtas na naka-imbak sa ilalim ng mahigpit na pamamaraan ng seguridad ng estado at county; o, mas malala pa, ay maaaring maging sanhi nang hindi pagtanggap sa mga balota kung hindi natanggap sa legal na itinakdang araw na pagproseso.
Bagama't legal para sa isang tao na tulungan ang higit sa isang botante na ibalik ang kanilang binotohang balota, hindi legal para sa sinuman na mangolekta o mag harvest ng mga binotohang balota na may layuning gumawa ng isang kriminal na gawain. Para sa karagdagang impormasyon para sa pagbabalik ng mga binotohang balota, tingnan ang Kodigo ng mga Halalan Seksyon 3017 at kaugnay na penal na mga probisyon na matatagpuan sa Dibisyon 18.
Nakaseguro ba ang aking balota?
Oo. Ang sobre para sa pagbabalik ay idinisenyo na may cross-hatched pattern sa loob upang maiwasan tingnan ng isang tao ang iyong binotohan na balota. Upang maiwasan na mapakialaman habang pinoproseso sa Opisina ng Tagapagrehistro ng Mga Botante, ang iyong balota ay pisikal na naka-seguro sa pamamagitan ng binakurang proteksiyon at akses sa mga binotohang balota ay limitado sa ilang mga empleyado lamang. Ang pirma sa likod ng sobre ng pagbabalik ay inihahambing sa iyong orihinal na pirma sa pinaka napapanahong form ng pagpaparehistro upang makatulong na maiwasan ang ibang tao na botohan ang iyong balota.
Kailangan ko bang ibalik ang aking balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo sa U.S. Mail?
Hindi. Bagama't maaari mong ibalik ang iyong binotohang balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo sa iyong sobreng bayad na ang selyo nang LIBRE, maaari mo ring ibalik ito nang personal.
Maaari mo itong ibalik sa alinmang opisyal na Lokasyon ng Drop Box ng Balota sa County ng Santa Clara o sa alinmang Sentro ng Pagboto sa o bago ang Araw ng Halalan. Maaari mo ring pahintulutan ang isang tao na ibalik ang iyong balota para sa iyo sa pamamagitan ng pagkumpleto ng kailangang impormasyon sa iyong sobre para sa pagbabalik sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo.
Kumpletong listahan ng mga ligtas na lokasyon para sa pagbabalik ng balota na magagamit para sa kasalukuyang halalan. Mahalagang repasuhin ang iyong mga tagubilin sa pagboto para sa bawat halalan, dahil sa ilang maliliit na halalan nang ipinakokoreong balota, maaaring walang magagamit na lokasyon ng Sentro ng Pagboto.
Kung matatakan ng koreo at ipakoreo ko sa araw ng halalan, mabibilang ba ito?
Oo, kung ito ay natanggap sa oras. Ang mga balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na may tatak koreo SA o bago ang Araw ng Halalan ay dapat matanggap nang hindi lalampas sa pitong araw pagkatapos ng halalan upang ma-proseso. Sa mga araw bago ang halalan, maaaring mas mainam na ibalik ito nang personal.
Kung ang petsa sa sobre ay may tatak koreo PAGKALIPAS ng araw ng halalan, hindi ito maaaring iproseso.
Paano kung kailangan ko ng bagong balota?
Kung hindi mo natanggap ang iyong balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo, nawala ito o nagkamali sa pagmarka nito, maaari kang humiling ng bago.
May tatlong paraan para makakuha ng bago o pamalit na balota:
- Sa Pamamagitan ng Koreo: Maaari kang humiling ng bagong balota na ipapadala sa iyo sa koreo. Tumawag sa Tagapagrehistro ng mga Botante nang walang bayad sa (866) 430-VOTE (8683) o mag-email sa [email protected]. Ang iyong kahilingan ay dapat matanggap nang hindi lalampas sa pitong araw bago ang halalan. Pagkalipas noon, ang mga pamalit na balota ay makukuha lamang nang personal.
- Nang Personal: Maaari kang kumuha ng pamalit na balota nang personal sa tanggapan ng Tagapagrehistro ng mga Botante o sa alinmang Sentro ng Pagboto sa County na itinalaga para sa kasalukuyang halalan.
- Online: Maaari mong gamitin ang Malayuang Madaling Magamit na Sistema ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (RAVBM) para mag-download ng kopya ng balota na maaaring i-print at ibalik sa pamamagitan ng koreo.
Kung ikaw ay nakatanggap at bumoto ng pamalit na balota, ang anumang balota na naibigay na sa iyo ay awtomatikong mawawalan ng bisa. Mangyaring sirain at itapon ang inyong balota na hindi nagamit. Isang balota lamang ang tatanggapin sa bawat botante bawat halalan.
Paano kung ayaw kong bumoto sa pamamagitan ng koreo?
Kung ayaw mong bumoto gamit ang balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo, maaari kang pumunta sa opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante o sa alinmang Sentro ng Pagboto sa County na itinalaga para sa halalan upang bumoto nang personal. Kung bibigyan ka ng balota sa isang Sentro ng Pagboto, awtomatikong mawawalan ng bisa ang iyong balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo. Maaari mo itong dalhin para ibalik ito kapalit ng bagong balota o maaari mo itong sirain at itapon.
Siguraduhing suriin ang iyong mga tagubilin sa pagboto para sa isang listahan ng mga magagamit na lokasyon sa pagboto tulad ng ilang maliliit na halalan, ang pagboto nang personal ay maaari lamang magawa sa opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante
Hindi sinasadyang nilagdaan ng aking pamilya o sambahayan ang aking sobre, ano ang dapat kong gawin?
Ito ay isang karaniwang pangyayari.
Kung nasa iyo pa rin ang dalawang sobre, maaari mong i-cross off ang maling pirma at ilagay ang tamang pirma sa bawat sobre at ibalik ang mga balota sa amin.
Kung naibalik na sa amin ang isang sobre, maaari mo pa ring gamitin ang sobre na mayroon ka. I-cross off lang ang pangalan ng botante na nakalimbag na at isulat ang tamang pangalan ng botante at pagkatapos ay pirmahan sa lugar ng pirma sa sobre na mayroon ka. Ang sobre na naibalik na may maling pirma ay ipoproseso sa pangalan ng botante na pumirma.
Maaari mo ring piliin na ibalik nang personal ang iyong balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo sa opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante o sa isang Sentro ng Pagboto at tumanggap ng bagong sobre.
Ang aking [lolo at lola, magulang, asawa, anak atbp.] ay hindi na kayang lumagda nang pangalan nila. Paano sila pipirma?
Sa ilalim ng batas, upang maproseso ang balota, ang botante ay DAPAT magtangkang lumagda o gumawa ng marka (tulad ng "X" o iba pang marka na ginagamit nila upang matukoy ang kanilang sarili) na kailangang masaksihan ng ISANG tao na dapat ding lumagda sa sobre para sa pagbabalik.
Mayroon akong legal na Kapangyarihan ng Abugado para sa aking [lolo at lola, magulang, asawa, anak], maaari ba akong bumoto ng balota nila at pirmahan ang sobre ng pagbabalik para sa kanila?
Hindi. Hindi pinapayagan sa ilalim ng Batas sa Halalan ng California, ang pagkakaroon ng kapangyarihan ng abogado na magbibigay sa iyo ng karapatang magsagawa nang pagpaparehistro upang bumoto, bumoto, lumagda sa isang sobre ng balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo o listahan ng mga botante, pumirma ng isang petisyon, o magsagawa ng anumang aktibidad sa ilalim ng pangalan o pagkakakilanlan ng taong iyon na may kaugnayan sa pagpaparehistro at pagboto.
Parang nakalimutan ko na pirmahan ang sobre para sa pagbabalik, ano ang dapat kong gawin?
Huwag kang mag-alala! Kapag nakakita kami ng sobre na walang pirma, magpapadala kami sa iyo ang isang form ng "Pahayag sa Hindi Napirmahang Balota", na hinihiling na lagdaan mo at ibalik ito sa petsa na nasa abiso. Matapos mapagtunay ng mga tauhan ng halalan ang iyong pirma, maaaring mabilang ang iyong balota.
Kung nagbago ang pirma ko sa paglipas ng panahon, bibilangin pa rin ba ang aking balota?
Karaniwan na kaming nakakakita ng mga pagbabago ng pirma. Ang isang pagkakaiba sa iyong pirma ay hindi agad magiging sanhi ng hindi paghahambing nito. Kung hindi makumpirma ng isang miyembro ng kawani ang iyong pirma sa sobre para sa pagbabalik sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo sa iyong pirma na nasa talaan, ang iyong balota ay dadaan sa maraming antas ng pagpatunay bago ito ituring na hindi tugma. Kung ang iyong pirma ay nagbago nang husto at hindi maihambing sa iyong mga lagda na mayroon kami sa aming database, magpapadala kami sa iyo ng isang "Form sa Pagpapatunay ng Pirma," at kung iyong naibalik, ay gagamitin upang iproseso ang iyong balota.
Alam mo ba....Sa loob ng ilang dekada, ang California Department of Motor Vehicles (DMV) ay nagbibigay ng mga serbisyo sa pagpaparehistro ng botante sa mga taong kumukuha ng bagong lisensya sa pagmamaneho o ID card ng estado. Ibig sabihin, ang lagda na ginagamit mo sa iyong lisensya sa pagmamaneho o ID card ng estado ay malamang na parehong pirma na nasa talaan ng iyong opisyal ng halalan sa county.
May mga alituntunin ba ang California kung paano mapatunayan ang mga pirma?
Oo. Ang Kabanata 8.3 ng Dibisyon 7 ng Titulo 2 ng Kodigo ng mga Regulasyon ng California ay naglalaman ng mga patakaran sa pagpapatunay ng mga pirma at pamantayan para sa pagpapatunay at pagpapawalang bisa ng balota sa pamamagitan ng koreo. Maaari mong ma-access ang kasalukuyang mga Regulasyon sa website ng Kalihim ng Estado sa ilalim ng mga Popular na Serbisyo.
Ang aking pirma ay ipinagpatunay ba ng isang tao o ng isang makina?
Ang bawat ibinalik na balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo ay pinatutunayan ng isang kawani, hindi ng isang sistema o makina.
Ang Tagapagparehistro ng mga Botante ay gumagamit ng isang malaking sorting machine na maaaring mabilis na mag organisa ng mga naibalik ns Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo at ihanda ang mga ito para sa pagproseso ng mga kawani ng halalan. Pinapadali ng sistema ang paunang pagpoproseso sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga sobre ayon sa uri ng balota at pag-digitize ng impormasyon ng sobre upang hindi kailangan ng mga kawani ang pisikal na balota para sa paghahambing ng pirma; sa halip, ang isang imahe ng sobre ay ihahambing nang magkatabi kumpara sa kasalukuyang impormasyon ng botante sa pagpaparehistro.
Ang isang pagkakaiba sa pirma ng botante ay hindi kinakailangang maging sanhi ng hindi paghahambing nito habang ang mga pirma ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Kung hindi makumpirma ng isang miyembro ng kawani ang iyong pirma na nasa labas sobre, ang balota ay dadaan sa maraming antas ng pagpatunay bago ito ituring na hindi tugma. Kung ang pirma ng botante ay hindi tugma, magpapadala kami sa botante ng isang "Form sa Pagpapatunay ng Pirma," na dapat maibalik upang ang kanilang binotohang balota ay maiproseso.
Para sa karagdagang impormasyon kung paano pinoproseso ang mga balota, mangyaring sumangguni sa aming website ng impormasyon sa Paano Binibilang ang Iyong Boto kung saan maaari mo ring ma-access isang link sa Tagapagrehistro ng mga Botante sa pinakabagong Canvass Procedure Manual.
Kung hindi ko ibabalik ang aking balota, kakanselahin ba ang aking pagpaparehistro?
Hindi. Hindi pinapayagan ng batas sa halalan ng California ang pagkansela ng botante na piniling hindi bumoto sa anumang halalan. Ang Seksyon 2201 ng Kodigo ng mga Halalan ng California ay nagtatala ng mga espesipikong mga dahilan para sa pagkansela ng pagpaparehistro ng botante, na mula sa pinirmahang kahilingan ng isang indibidwal na alisin, kapag napatunayan ang tao ay nakulong para sa paghatol ng isang pelony, sa pagberipika ng pagkamatay ng rehistrado, o napatunayan na ang isang tao ay muling nagparehistro upang bumoto sa ibang county o estado o kung hindi man ay hindi karapat dapat na bumoto.
Tingnan din ang tanong sa itaas, "Kung lilipat ako, ipapadala ba sa akin ng Post Office ang aking balota?"
Minsang may nakapagsabi sa akin na kung hindi mahigpit ang mga labanan, ang natitirang mga boto sa pamamagitan ng koreo ay hindi na bibilangin. Totoo ba ito?
Hindi, hindi totoo iyan. LAHAT ng balidong mga balota ay bibilangin. Bisitahin ang website ng Kalihim ng Estado upang malaman kung ano ang iba pang Mga Kasinungalingan tungkol sa Halalan na ipinaliwanag.
May paraan ba para sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na accessible sa mga botante na bulag o limitado ang paningin o sa paggamit ng kanilang mga kamay?
Oo. Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay may sistema ng Malayuang Madaling Magamit na Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na nagbibigay daan sa mga botante na ma-akses at iboto ang kanilang balota nang Malaya at pribado sa kanilang bahay. Sa halip na gamitin ang papel na balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo, maaaring ma-akses ng mga botante ang isang elektronikong bersyon ng kanilang balota, na maaaring markahan sa bahay sa pamamagitan ng pagsulat o sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang sariling pantulong na aparato. Pagkatapos markahan ang elektronikong balota, kailangang iprinta ang balota, nangangailangan ang botante na magkaroon ng akses sa isang printer. Isarado ng botante ang kanyang nakalimbag na balota sa isang secure na asul na sobre para sa pagbabalik at pirmahan ang lugar ng pirma sa likuran. Ang sobre ng balota ay kailangang may tatak koreo nang hindi lalampas sa Araw ng Halalan at matanggap ng Tagapagrehistro ng mga Botante nang hindi lalampas sa 7 araw pagkatapos ng araw ng halalan. Upang mapanatili ang pagka pribado at seguridad, ang mga seleksyon ng balota ay hindi iniimbak sa isang sistema o ipinadadala sa elektronikong paraan sa pamamagitan ng Internet.
Ang botante na hindi makapirma, ay kailangang gumawa ng marka (tulad ng "X") upang ipahiwatig ang kanilang pirma, na dapat na masaksihan ng hindi bababa sa isang tao na dapat ding lumagda sa sobre para sa pagbabalik. Maaaring pahintulutan ng botante ang isang tao na ibalik ang kanilang balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo para sa kanya sa pamamagitan ng pagkumpleto sa lugar ng may awtorisasyon sa labas ng asul na sobre para sa pagbabalik.
Ang mga accessible voting machine ay magagamit rin sa opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante o sa alinmang Sentro ng Pagboto sa County ng Santa Clara para sa mga botante na nais bumoto nang personal.
Magagamit ba ang Malayuang Madaling Magamit na Sistema ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (na inilarawan sa itaas) ng mga Botanteng Militar at Nasa Ibang Bansa?
Oo, ang mga botante na nasa militar o nasa ibang bansa ay maaari ring gumamit ng Malayuang Madaling Magamit na Sistema ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo upang ma-akses ang kanilang balota. Ang mga botante na nasa militar at nasa ibang bansa ay pinapadalhan sa koreo ng kanilang papel na balota nang mas maaga sa 29 na araw na pagpapadala sa iba pang mga rehistradong botante upang magbigay ng karagdagang oras para sa pagbabalik sa pamamagitan ng koreo. Gayunpaman, sa halip na maghintay o gamitin ang kanilang papel na balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo, ang mga botante na nasa militar at nasa ibang bansa ay maaaring ma-akses ang isang elektronikong bersyon ng kanilang balota sa pamamagitan ng secure na sistema. Pagkatapos markahan ang elektronikong balota, kailangang iprinta ang balota, nangangailangan ang botante na magkaroon ng akses sa isang printer. Isarado ng botante ang kanyang nakalimbag na balota sa isang secure na asul na sobre para sa pagbabalik at pirmahan ang lugar ng pirma sa likuran. Ang sobre ng balota ay kailangang may tatak koreo nang hindi lalampas sa Araw ng Halalan at matanggap ng Tagapagrehistro ng mga Botante nang hindi lalampas sa 7 araw pagkatapos ng araw ng halalan. Upang mapanatili ang pagka pribado at seguridad, ang mga seleksyon ng balota ay hindi iniimbak sa isang sistema o ipinadadala sa elektronikong paraan sa pamamagitan ng Internet.
Maaari bang gamitin ng SINUMANG rehistradong botante ang Malayuang Madaling Magamit na Sistema ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo?
Oo. Ang lahat ng mga rehistradong botante ay maaaring gumamit ng Malayuang Madaling Magamit na Sistema ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (RAVBM).
Naging bagong residente lang ako ng California, maaari ba akong bumoto sa [kasalukuyang] halalan na ito?
Oo. Bisitahin ang aming pahina, "Ako ay isang bagong residente sa Estado ng California" para sa karagdagang impormasyon kung paano magparehistro at bumoto.
Naging bagong mamamayan lang ako ng Estados Unidos, maaari ba akong bumoto sa [kasalukuyang] halalan na ito?
Oo. Bisitahin ang aming pahina, "Ako ay isang bagong mamamayan sa Estado ng California" para sa karagdagang impormasyon kung paano magparehistro at bumoto.
(Sa panahon ng Pampresidenteng Primaryang Halalan) Maaari ba akong magpalit ng partidong pampulitika at bumoto muli sa isang bagong balota sa parehong pagkakataon?
Oo. Bisitahin ang aming pahina sa Mga Primaryang Halalan para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpaparehistro at pagboto sa panahon ng primarya.